-Prologue-

6.8K 138 14
                                    

-Prologue-


Beloved

~dearly love (adjective)

~a much loved person (noun)


Beloved, minamahal sa tagalog.



Noong bata ako, iniwan kami ng Mommy ko. Sa maagang edad, nangulila ako at ang batang kapatid ko sa kalinga ng isang ina.


Hindi biro mawalan ng isang minamahal lalo na kung ito ay nanay. Yung tipong tuwing family day, tatay lang ang dala mo. Tuwing may meeting sa school, sekretarya lang ng tatay mo ang a-attend. At tuwing umaga, mga kasambahay lang ang nag-aasikaso sayo.



Hindi ko naranasan ang mga bagay na nararanasan niyo kasama ang inyong ina. Si Dad lang ang palagi kong nadadala tuwing family day sa school, at may pagkakataong ang sekretarya pa niya ang sumasama sa akin. Hindi ko naranasan paghandaan tuwing umaga ng masasarap na almusal at palaging mga kasambahay lang namin ang naghahanda ng panligo at susuotin ko pagpasok. Sobra ang inggit na naramdaman ko sa mga kaklase ko. Lalo na kapag inaasikaso sila ng mga nanay nila. Kaya simula bata pa lang ako, malaking buto na ang itinanim ko sa aking puso. Umusbong ito ng umusbong hanggang sa nagbinata ako.



Doon ko natutunan ang mga katarantaduhan sa buhay. Sa murang edad, napag-aralan ko kung paano uminom ng alak, humithit ng sigarilyo, magbulakbol, makipagsuntukan at mambabae. Lahat ng iyan ay pinagdaanan ko. Nag rebelde ako at sinira ko ang buhay ko. Dahil ang nakatatak sa isip ko...sira na ang buhay ko simula nung iwan kami ni Mommy, bakit hindi ko pa ito sirain para mas maaga ang punta ko sa kabilang mundo. O dapat kong sabihin, papuntang impyerno.



Naglalakad ako sa daanang papuntang kamatayan. Tinatahak ko ang masamang landas. Pero parang gaya sa mga teleserye, may isang tao ang pumasok sa buhay ko. Isang babae ang pinapasok ko sa magulo at madilim kong buhay.


Sa lahat ng babaeng nakasama ko, nakilala at nakita. Siya lang ang nagbubukod tanging babae na kayang baliin ang mga sungay ko. Siya lang ang klase ng babaeng ni minsan hindi ko pinagtangkaang pagnasahan. Dahil yung tipo niya, ay ang tipo ng babaeng may respeto sa sarili. Alam niya ang halaga ng pagkababae niya. Kaya alam rin niya kung paano ito protektahan.



Sobra akong humanga sa kanya. Hindi dahil sa panlabas niyang ganda, kundi dahil sa kabaitang meron siya. Dahil akala ko, simula nung iwan kami ng sarili kong ina, eh lahat ng babae sa mundo pare-parehas na lang. Ang baba ng tingin ko sa mga babaeng nakakasama ko dahil sumasalamin sila sa sariling kong ina.


But I'm wrong.



She taught me that every girl in this world are unique and special.


Like her.....


Like my Jassy.....



Sino ang mag-aakalang ang isang tulad kong patapon na, eh nagawa pang magmahal ng totoo at tapat. Nagawa ko man siyang iwan noon dahil sa kaduwagan ko, para siyang may magnet.... dahilan para palagi akong bumalik sa kanya.


I can't live without her. Para siyang oxygen, mamamatay ako kapag nawala siya sa akin.


Ako si Kiel Salazar, minsang naging gago pero natutong magpakatino para sayo

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

Ako si Kiel Salazar, minsang naging gago pero natutong magpakatino para sayo.



"Jasmin Castillo-Salazar, mamahalin kita habang tumitibok itong puso ko."

~Kiel Salazar

______________

A/N: Thank you for reading!! This is the third book of What love can do. (WLCD) I'm so happy and thankful. Hindi ko inaakalang makakaabot ako dito. Sana supportahan niyo pa rin ang pangatlong libro ng KielMin. (Jasmin and Kiel) Sorry kung natagalan. Hehehe! May isang bagay lang po akong gustong hilingin sa inyo, at iyun po ang mahabang-mahabang-mahabang pasensya galing sa inyo, lalo na po sa pag-uupdate. Mag-uupdate at mag-uupdate po ako don't worry. Hintay lang po tayo. :) Again, thank you po ulit!!! I'm so excited sa book 3!!! This is a special day for me, kaya ngayon ko naisipang ipublish ang book 3. HAHAHAHA SKL.


P.S

 Happy 24th birthday sa baby koooooo, Kim Namjoon. Mwuah! <3

Forever BelovedOnde histórias criam vida. Descubra agora