Chapter 41 The Truth

401 15 6
                                    

41: The Truth

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»



"Anong...totoo?!" Sigaw ko sa kanya at kinalas ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya.


Mas lalo lang yumuko si Kiel. Nakita ko namang umayos ng tayo yung babae niya at tumingin sa akin ng masama.



"Ang totoong may anak kami ni Kiel!! Ang asawa mo, ang tatay ng anak ko!" Sigaw niya sabay irap sa akin.


Biglang sumabog lahat ng bulkan sa pagkatao ko at mabilis akong naglakad papunta sa kanya. Mabilis kong pinalipad ang makinis kong palad sa magaspang niyang mukha, at hindi ako nakuntento sa isa dahil sinampal ko siya ng dalawang beses.



"Ouch!" Sigaw niya sabay hawak sa pisngi niya. Akma niya akong sasampalin pero pinigilan ko ang pulso niya.


"How dare you!" Sigaw niya sa akin. Pinangdilatan ko siya ng mata.



"Ano! Sasampalin mo din ako? Walanghiya ka ba talaga? Ang lakas ng loob mong sampalin ang totoong asawa!" Sigaw ko sa kanya. Naramdaman ko ang paghawak ni Kiel sa braso ko.


"Jassy, tama na." Malungkot na pigil ni Kiel sa akin.



Humarap ako sa kanya at sinampal din siya ng dalawang beses. Nanatili lang nakayuko si Kiel habang hindi ko na alam kung paano papakalmahin ang sarili ko sa galit.


"Ikaw ang tumigil Kiel!" Sigaw ko sabay sampal ulit sa pisngi niya.



"Kailan mo pa ako niloloko ha? Kailan pa!" Sigaw na tanong ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot sa akin.


"Sumagot ka!!" Sigaw ko sabay tulak sa kanya.



"Ano ba! Wag ka ngang mamisikal!" Suway nung babae niya sa akin. Liningon ko naman siya at nakita kong pinuntahan niya ang asawa KO at dinaluhan ito.


"Bitch..." Bulong niya sabay irap sa kawalan.



Mas lalo akong nanggalaiti sa galit kaya hinawakan ko ang buhok niya at kinaladkad siya palabas ng pintuan namin. Wala siyang nagawa kundi ang sumigaw at magpupumiglas. Hindi ako nakuntento kaya sinampahan ko siya at pinagsasampal tsaka sinabunutan.


Naramdaman ko namang may bumuhat sa akin at linayo ako doon sa higad na babaeng yun. Nakita ko si Kiel na nakahawak sa magkabilang gilid ko at akmang yayakapin ako.



"Wag mo akong yayakapin! Wag mo akong hahawakan!" Suway ko sa kanya at binalaan ko siya.

Forever BelovedWhere stories live. Discover now