Chapter 59 Wildest Dream

256 18 9
                                    

59: Wildest Dream

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»

Pagkayari kong gawin yun ay para akong nabunutan ng tinik. Yung mga mabibigat na bagay na matagal kong dinala bago at pagkalipat namin dito sa Paris ay parang tinik na binunot sa dibdib ko dahil nakaginhawa ako at nakahinga ng maluwag.

"I'm sorry..." I whispered while my arms are around him.

I know that Kiel mentioned to me na ayaw niyang isumbat sa akin ang paghingi ko ng sorry gaya ng nagawa ko sa kanya noon. Pero sa oras na 'to, gusto ko lang humingi ng tawad sa kanya. Dahil kahit anong sakit ang binigay niya sa akin, kahit hirap ako noong patawarin siya, kailangan kong matutong humingi ng tawad kung ako na ang nakagawa ng pagkakamali.

Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso ni Kiel sa likuran ko. I smiled and cried when he hugged me back.

Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ko ang sarili kong magpadala sa agos ng damdamin.

"Wag na nating iwan ang isa't-isa, marahil iwanan na natin ang nakaraan sa nakaraan. We may not forget our past, but I hope we can forgive each other's past." Sambit ni Kiel habang nakayakap sa akin.

Dahan-dahan niya akong hinarap sa kanya. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko.

"Jassy, look at me." Sambit ni Kiel. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng luha ko.

"Let's start again. But this time, let's be stronger so nothing and no one will come between us...again." He said.

Tumango ako sa kanya habang humihikbi. He smiled and kissed my forehead.

"Let's take some rest. Magpahinga ka na." Sambit niya tsaka hinatid ako sa loob. Humiga ako sa tabi ni Joaquin. Kinumutan niya ako tsaka hinimas ang ulo ni Joaquin. Aalis na sana siya ngunit hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya.

"Dito ka na matulog." Sambit ko sa kanya.

Bahagya namang nanlaki ang mga mata niya at dahan-dahang ngumisi. Napa-iwas naman ako ng tingin sa kanya. Lumapit siya at mas hinigpitan ang hawak sa kamay kong nakahawak sa kanya.

"No problem, baby." Sagot niya tsaka humalik sa noo ko. Napangiti naman ako.

Sabay kaming natulog tatlo sa iisang kama. Nasa gitna namin si Joaquin. Kinabukasan ay ginising ako nina Joaquin at Kiel. Maagang nagising si Joaquin kaya ginising niya si Kiel para makapagswimming sila.

Nasa labas kami ngayon, nakaupo ako sa isang beach bench habang pinapanood sina Kiel at Joaquin na masayang naliligo sa dagat. Nakasandal ako habang pinapanood silang dalawa. Hindi maipaliwanag ang sayang nakaukit sa labi ng anak namin ni Kiel.

Nayari sila nang malapit nang magtanghalian. Kumain muna kami tsaka nagmaneho pauwi. Patuloy ang pagkwento ni Joaquin sa amin kung gaano siya kasaya sa naging trip naming ito.

"Bye, Jassy." Paalam ni Kiel habang nasa labas kami ng apartment namin.

Hindi na daw siya makakapasok sa loob dahil may kailangan siyang asikasuhin sa school nila Joaquin. Binuhat na lang niya si Joaquin dahil nakatulog ito sa biyahe at hinatid ko na lang siya sa labas.

"Ingat ka. Thank you sa pagpasyal samin ni Joaquin." Sambit ko sa kanya. Ngumiti siya tsaka hinawakan ang pisngi ko.

"Did you have fun?" Nakangiti niyang tanong sa akin. Ngumiti naman ako at dinama ang palad niya.

Forever BelovedWhere stories live. Discover now