Chapter 39 Worth

234 12 0
                                    

39: Worth

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»



Pasado alas onse na ng gabi kami naka-uwi ni Kiel. Naggala-gala kami sa park at nagkwentuhan. Nabanggit din niya sa aking magiging busy itong whole week niya kaya baka hindi muna kami makalabas-labas para magdate.


Maaga siyang pumasok sa hospital ngayon samantalang day off naman namin ngayon dahil birthday ni Mrs. Asuncion, Mama ni Sir Artur na umampon sa kanya, kaya pinag day off muna kaming lahat ni Sir Artur.



Imbitado kaming lahat mamayang 6pm kaya pupunta kami nila Cary at Pete. Nakapagpaalam naman na ako kay Kiel at pumayag siya. Susunduin na lang niya ako mamayang gabi sa party. Nasabi ko na din sa kanya na magma-mall kami nila Cary at Pete mamayang 1pm.


Nasa bahay ako ngayon nila Kuya Joshua habang nakikipaglaro kina Damien at Dinah. Nakasalampak ako sa sahig habang nagkukunwaring bumibili ng cupcakes kay Dinah samantalang nakasakay naman si Damien sa four wheel motorcycle niya habang nagpapa-ikot ikot sa loob ng sala.



"Order for Ninang Jassy!" Sigaw ni Dinah habang nasa loob siya ng isang cupcake stand. Inabot niya sa akin yung tray na may lamang cupcake na laruan.


Kinuha ko yun at inabot ang playmoney para sa bayad ko.



"Weeyoo, Weeyooo, Weeyoo, Weeyoo," Narinig naming nag-iingay si Damien at galing siyang kusina.


Nakasakay pa din siya sa four wheel motorcycle niya. Lumapit siya sa amin at nainis pa si Dinah sa Kuya niya dahil nabangga ni Damien ang ilang cupcakes ni Dinah.



"Kuya naman! Drive safely nga!" Naiinis na sita ni Dinah sa Kuya niya. Hindi naman siya pinansin ni Damien.


"Ninang Pretty, kain na daw po tayo sabi ni Daddy." Sambit ni Damien sa akin. Tumango naman ako at pinisil ang pisngi ng pamangkin ko.



"Okay, let's go Dinah." Tumayo na ako at inaya si Dinah pati si Damien.


Nagluto si Kuya Joshua kaya dito kami kumain nila Mama at Papa. Nagbihis naman na ako pagkatapos kumain at maghugas ng pinggan. Nakaligo na ako kaninang umaga para hindi ako magmadali sa pagkilos ngayon.



Tinext ko sina Cary at Pete na papunta na ako. Nagpaalam naman na ako kay Mama. Dinala ko ang kotse ko at nagsimula nang magmaneho. Tumigil muna ako sa isang convenient store para bumili ng tubig. Narinig kong tumunog ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Kiel.


"Hello?" Bati ko sa kanya.



Forever BelovedWhere stories live. Discover now