Chapter 21 Ilalim ng iisang bubong

1.2K 52 7
                                    

21: Ilalim ng iisang bubong

  «Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘» 

Kiel's POV

"Ready ka na ba, pre?" Tanong nila sa akin. Inakbayan ako nina Drake at Lance habang papasok kami sa bar ni Aiden.



Pina-reserve niya ang buong bar para sa aming magbabarkada. Pagpasok namin, nakita kong naka-upo na sila at nagsisimula ng mag-inom. Napalingon sila sa amin at kumaway.

"Halika na kayo!!" Tawag nila sa amin. Nakipag-apir ako sa kanilang lahat.



"Congrats, pare! Malapit ka ng ikasal." Bati ni Ethan sa akin. Ngumiti siya habang tinatapik ang balikat ko.

"Salamat, pare. Congrats din sayo ah. Balita ko, sinagot ka na ni Marlisa." Nakangiting sagot ko sa kanya. Ngumiti siya at tumango sa sinabi ko.



"Kiel!!" Biglang may tumawag mula sa likuran ko. Tumalikod ako at nakita ko si Jasper na nakatayo. Lumapit siya sa akin at nakipag-kamay.

"Congrats sa kasal niyo ni Jassy ah." Bati niya sa akin. Tumango ako at ngumiti. Hinawakan niya ang balikat ko.



"Pasensya na rin kayo sa mga nagawa ko dati. Masaya ako ngayon para sa inyo." Seryoso at sinserong sambit niya sa akin. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Matagal na yun, Jasper. Matagal ko na rin kayong pinatawad ni Kuya Heath." Totoong sagot ko sa kanya.



"Salamat, Kiel." Narinig ko ang boses ni Kuya Heath sa likuran ko kaya napalingon ako sa kanya.

"Maraming salamat at napatawad mo na kami ni Jasper. I wish all the best for your upcoming wedding with Jassy." Sambit ni Kuya Heath sabay abot sa akin ng kamay niya. Pinaunlakan ko naman iyun at ngumiti sa kanya.



"Dahil nandito naman na tayong lahat, why don't we start the party?" Sigaw ni Aiden sabay taas ng shot glass niya. Nagsigawan naman silang lahat.

Umupo ako habang naka-upo na rin silang lahat. Madami-dami rin ang pumunta sa Stag party ko. Ang mga kupal na si Drake, Lance at Aiden ang nag-ayos nito. Kaya wala akong alam sa mga kalokohang hinanda nila.



"Pre, congrats ah!" Bati ni Andrean na katabi ko pala sa sofa. Lumingon ako sa kanya at tumango.

"Salamat din sa pagpunta." Sambit ko naman sa kanya.



"Kiel, regalo pala namin sayo." Sambit ni Andrew na naka-upo sa kabilang sofa. May inabot siya sa aking box, tinanggap ko naman iyun at nagpasalamat sa kanilang magkapatid.

"Kiel!! Congrats!!" Sigaw ng mga barkada ko noong highschool ako. Nasa di kalayuan silang table habang nakataas ang kamay sa akin at binabati ako.



Tinaas ko rin ang kamay ko at ngumiti sa kanila.

Ang sarap palang makita ng mga ka-tropa mo nung highschool ka pa. Napatingin ako kina Drake, Lance at Aiden. Ang swerte ko at hanggang ngayon nandito pa sila, at sinasamahan ako. Sina Jasper at Kuya Heath, na kahit pinagbantaan ang buhay namin dati, ay nandito at nakikipag-ayos sa akin. Si Ethan naman, na kahit naka-away ko dati dahil kay Savannah pero tinulungan din kami, eh pumunta at naki-saya sa amin. Sina Andrew at Andrean, ang magkapatid na tumulong sa Jassy ko noong nasa Paris sila, ay umuwi para makapunta lang sa party. At si Kuya Joshua, na kapatid ng babaeng pinakamamahal ko, sumama sa amin para magsaya. Lahat sila, parte ng buhay ko kahit na minsan mga kupal yung iba sa kanila. Ang drama man pero totoong masaya ako at nakilala ko sila.



Forever BelovedDove le storie prendono vita. Scoprilo ora