Chapter 58 Bonding

216 15 3
                                    

58: Bonding

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»

"Mommy?" Narinig ko ang boses ni Joaquin kaya agad akong nataranta tsaka tinulak ng bahagya si Kiel na nakayakap sa likuran ko.

Bakas sa mukha ni Kiel ang pagkagulat. Napa-iwas naman ako ng tingin sa kanya tsaka ako tumungin kay Joaquin na kinukusot ang mata at naglalakad papunta sa kusina habang dala-dala niya ang gray bunny na palagi niyang katabi matulog.

"Anak..." Bati ko sa kanya bago ako lumapit at kinarga siya.

"Mommy, I'm hungry." Sambit ni Joaquin habang nakanguso sa akin.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Hinalikan ko ang pisngi niya tsaka ko siya binaba.

"Okay, I'll prepare the food. Maupo ka na muna don." Sambit ko. Tumango si Joaquin tsaka naglakad papunta sa dining table.

Nagkatinginan kami ni Kiel. Ngumiti siya sa akin at ganun din ako.

"I'll help you prepare." Sambit niya tsaka kumuha ng lalagyan ng pagkain.

Inayos ko ang lamesa, linagay ko ang mga pagkaing linuto ko. Linagyan ko muna si Joaquin ng pagkain bago ako umupo.

"Good Morning, Teacher Kiel." Bati ni Joaquin kay Kiel na kakaupo lang.

Nginitian siya ni Kiel.

"Good Morning din, bud." Nakangiting bati ni Kiel kay Joaquin.

"Uuwi na ba tayo, Mommy?" tanong ni Joaquin tsaka lumingon sa akin. Tumingin naman ako sa kanya.

"Gusto mo na ba?" Tanong ko pabalik sa kanya. Mabilis siyang umiling.

"No! Ayoko pang umuwi, Mommy." Sagot niya sa akin. Tumingin siya kay Kiel.

"Gusto ko pang maglaro kasama si Teacher Kiel." Nakangiting sambit ni Joaquin. Napangiti naman si Kiel.

"How about we take a trip? Will it be fun for you?" Tanong ni Kiel.

Para namang sinabuyan ng rainbow si Joaquin. Lumaki ang mga mata niya tsaka tumango ng tumango.

"Yes!!! It will be fun!" Masiglang sagot ng anak ko. Natawa naman kami ni Kiel. Nagtama ang mga mata naming dalawa. He smiled at me. Sinuklian ko din siya ng isang tipid na ngiti.

"Finish your food first, Joaquin." Sambit ko sa kanya. Lumingon naman ako kay Kiel.

"Uhm, Kiel. Sunduin mo na lang kami ni Joaquin sa apartment. Kukuha lang ako ng gamit namin." Sambit ko. Nagtaas naman siya ng tingin sa akin.

"No, ihahatid ko kayo sa apartment. Then doon ako maghihintay." Sagot niya sa akin. Hindi na ako naka-angal pa kaya napatango na lang ako sa kanya.

Gaya ng sinabi ni Kiel, inayos niya ang gamit niya tsaka kami hinatid ni Joaquin sa apartment. Pumasok kami sa loob.

"Sorry, magulo yung bahay. Di ako nakapaglinis." Sambit ko tsaka nagpulot ng mga kalat.

Tumingin ako kay Kiel. Nakita ko siyang nakatingin sa sofa. Sinundan ko kung saan siya nakatingin, at nakita ko ang pula kong bra na nakapatong roon sa arm chair ng sofa. Agad akong nataranta kaya agad ko yung kinuha.

Nakita ko ang pagtawa ni Kiel kaya agad akong tumalikod sa kanya at napapikit sa kahihiyan.

"Joaquin! Pumunta ka na sa kwarto." Utos ko sa kanya. Agad naman siyang pumasok sa loob.

Forever BelovedWhere stories live. Discover now