Chapter 16 Bintang

1.5K 61 24
                                    

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»   

16: Bintang

Dali-dali akong pumunta sa opisina. Pagdating ko doon, naabutan ko lahat ng tao na nagkakagulo. Yung iba naghahalungkat sa mga kahon, yung iba nagtatakbuhan at mayroon pang umiiyak sa dulo. Pinapanood ko lang silang lahat habang ako ay takang-taka sa mga nangyayari.



"Jassy!" May tumawag sa akin mula sa hindi kalayuan. Nakita ko si Pete kaya mabilis akong naglakad papunta sa kanya.

"Pete? Anong nangyayari?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko.



"Bakit ngayon ka lang, girl? Jusko! Nagkaka world war 3 na dito." Tanong ni Pete sa akin. Kita ko sa mata niya ang takot at taranta. Kumunot naman ang noo ko sa kanya.

"Jassy..." May tumawag sa akin mula sa likuran ko. Tumalikod ako at nakita ko si Cary. Agad ko siyang linapitan.



"Cary, anong nangyayari?" Tanong ko sa kanya. Bumuntong hininga lang siya tsaka umupo.

"Nagwawala si Sir Artur." Simpleng sagot niya. Nanlaki ang mga mata ko.



"Huh? Bakit?" Tanong ko. Tiningala naman niya ako.

"Nawawala ang pinaka importanteng document niya." Sagot niya sa akin. Hindi ko siya maintindihan kaya nagtataka pa din ako.



"Anong document yun, Cary?" Nagtatakang tanong din ni Pete. Liningon kami ni Cary pareho.

"Bago pa maging CEO si Sir Artur dito sa Marvelous. Matagal ko ng kilala si Sir Artur at Mellisa. Kilala ng pamilya ko ang pamilya nila. Sa katunayan niyan ang mommy ni Sir Artur ang nag suggest na dito ako magtrabaho." Panimulang kwento ni Cary. Bigla namang sumabat si Pete.



"So matagal mo na ring alam na ampon si Sir at bakit naman nasali si Melisa?" Naguguluhang tanong ni Pete.

Kagaya niya nagtataka din ako at naghahanap ng sagot. Dahil ang alam ko lang, ampon si Sir Artur at magpinsan sila ni Melisa.



"Magpinsan sina Sir Artur at Melisa." Sagot ni Cary kay Pete. Nanlaki naman ang mga mata ni Pete.

"Ano nakita niyo na yung kulay red na folder ni Sir Artur?" Tanong ni Aliza sa amin. Liningon namin siya at nakita kong natataranta na siya.



"Hindi, Aliza." Si Cary ang sumagot sa tanong ni Aliza. Napa-irap naman sa kawalan si Aliza.

"Sino ba kasi ang nagtago nun? Kakalbuhin ko talaga yun eh! Pasakit!" Napasigaw na lang siya sa inis habang naglalakad palayo sa amin.



"Ano bang laman nung kulay red na folder na pinapahanap ni Sir Artur?" Tanong ni Pete. Sabay kaming napalingon kay Cary.

"Kahapon dumating yung british na kapatid ni Mrs. Asuncion, ang umampon kay Sir Artur, dahil may sakit si Mrs. Asuncion. Pilit kinukuha ng kapatid niya ang Marvelous. Pero ayaw pumayag ni Mrs. Asuncion dahil si Sir Artur lang ang dapat mamahala ng Marvelous, kahit na mawala pa siya. Ang Marvelous ay kay Sir Artur lang." Panimula ni Cary. Bumuntong hininga siya bago nagsalita ulit.



"Para masalba ang kompanya, kailangan ni Sir Artur ng mga katibayan. At ang red folder na yun ang solusyon sa problemang kinakaharap ng kompanya natin. Dahil laman nun ang mga documents ng kompanya at ang katibayang legal adopted si Sir Artur at siya ang tagapagmana ng Marvelous. Kung hindi niya maipapakita yun, mawawala sa kanya ang Marvelous." Dugtong ni Cary sabay hawak sa magkabilang sentido niya. Kita kong nahihirapan din siya sa sitwasyon.

Forever BelovedWhere stories live. Discover now