Chapter 53 Look back

316 20 22
                                    

53: Look back

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»

Napayuko ako at kinuha ang isang basong tubig na nasa harapan ko. Inubos ko ang laman ng baso. Nang marinig ko ang sinabi ni Kyla. Pinigilan ko ang sarili kong magpadala sa emosyon ko para kay Kiel. I need to be strong kahit pagod na pagod na ako. Para sa anak ko.

"Sinong nakaka-alam ng plano mo?" Tanong niya sa akin. Humarap ako sa kanya.



"Ikaw lang," Sagot ko. Nagulat naman siya.

"Mygad, Jassy! Baka naman ipatumba ako ng mga nagmamahal sa inyo ni Kiel. Parang may operasyon tayo nitong laban sa mga pulis ayy." Sambit niya at napahawak sa kanyang dibdib.

"Pasensya na, Kyla. Ikaw pa tuloy itong nadadamay ko." Malungkot na sambit ko. "Sorry talaga." Nakayuko kong paghingi ng tawad sa kanya.

Mabilis siyang lumapit sa akin. Hinarap niya ako sa kanya.

"Don't make me feel bad. Ano ka ba, bii! Syempre, tutulungan kita. Sadyang iniisip ko lang ang magiging reaksyon nila, lalo na si Kiel. He doesn't even have a clue that you have this plan." Sambit niya.

Hinawakan ko ang kamay ni Kyla.

"Alam kong magagalit sila sa akin lalo na si Kiel, alam kong masasaktan siya ng sobra sa gagawin ko. Pero kailangan ko 'tong gawin para sa anak ko." Seryosong sambit ko sa kanya.

"Bibigyan mo ng Ama si Megan, pero yang pamangkin ko naman ang tatanggalan mo ng ama." Malungkot na sagot ni Kyla.

Nalungkot rin ako sa sinabi niya. Napabuntong hininga ako.

"She begs me. She wants to give her daughter a whole family." Sambit ko sa kanya. "Masakit man para sa akin, pero ito na lang ang way na naiisip ko para mabuo na sila at hindi na ako makagulo."

"Halika nga rito." Sambit ni Kyla sabay hila niya at yapos sa akin.

"I'll stick with you. Don't worry, I have your back." Bulong niya sa akin.

"Kyla!!" Bigla kaming nagulat nang marinig naming may kumatok sa pintuan ng condo ni Kyla at tinatawag ang pangalan niya.

"Is that him?" Kinakabahang tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat siya.

"Shit, I don't know. Anong gagawin ko, sasabihin ko?" Tanong niya pabalik sa akin.

"Magtatago ako, just open the door." Sagot ko.

Huminga ako ng malalim.

"Whoo! Keep it classy, Kyla." Bulong niya sa sarili niya. Nagtago naman ako papuntang kwarto niya.

Sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Kinakabahan ako kung sino ang tao roon. Sana ay kakilala lang niya. I can't screw my plan!

"Jassy?" Boses iyun ni Kyla.

Nagulat ako at napahilig ako sa pintuan.

"Open the door." Utos niya.

"Baka..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko.

"Don't worry, you can come out. Di siya kalaban." Sambit niya. Dahan-dahan ko namang binuksan ang pintuan.

Unti-unti kong tinignan kung sino ang nandon, at nanlaki ang mga mata ko.

"Drake??"

Ngumiti siya sa akin.

"I got Kyla's text, that's why I am here." Sambit niya. Napatingin naman ako kay Kyla na nakangising bitin ngayon.

Forever Belovedजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें