Chapter 30 First and Last Dance

568 19 5
                                    

30: First and Last Dance

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»

Jamie Cirello once said,

'You will always be in my heart...because in there you're still alive.'

"To my baby who's in heaven right now, Mommy loves you so much." Naluluhang sambit ko habang linalagay ang bulaklak na binili ko para sa anak kong nasa heaven na.

"Magpakabait ka dyan, anak ha. Mahal na mahal kita." Naiiyak na paalam ko sa anak ko. Pinunasan ko ang pisngi ko at nagsimula ng maglakad palayo sa puntod niya.

It's been three weeks since nangyari yun. Mahirap pa din tanggapin at masakit pa din sa damdamin. Hindi ko alam kung paano ulit magsisimula. Kung saan ako magsisimula ulit. Basta ang alam ko ngayon, kailangan kong lumaban...lumaban para sa sarili ko.

-

"Jassy," tawag sa akin ni Kuya. Liningon ko siya.

"Nasa baba yung asawa mo." Sambit ni Kuya.

"Sabihin mo wala ako sa bahay." Prenteng sagot ko habang nagpatuloy sa ginagawa ko sa laptop.

Palaging ganito ang scenario namin sa loob ng tatlong linggo. Bawat oras, pumupunta si Kiel para kausapin ako. Pero lagi kong sinasabi kina Kuya na sabihing wala ako sa bahay.

Humingi muna ako ng space kay Kiel. Para makapag-isip at makapagpahinga para sa sarili ko. Sinabi ko sa kanyang para din sa kanya yung space na hiningi ko pero ayaw daw niya. Gusto niyang magpahinga kasama ako, at hindi umalis sa tabi ko.

Masakit man pero kinailangan kong lumayo muna sa lalaking mahal ko. Dahil kung hindi ko yun gagawin, sarili ko lang ang masisira ko.

"Jassy, anak. Kausapin mo na ang asawa mo. Umuulan sa labas. Pinapapasok ko siya, ayaw niya. Baka lagnatin yun dun." Rinig kong sambit ni Mama.

Napatingin ako sa bintana ng bahay namin. Umuulan nga at medyo malakas. Tumayo ako at agad na kumuha ng payong. Lumabas ako at nakita ko roon si Kiel na naliligo sa ulan habang nakapamulsa at nakayuko.

"Baby..." tawag niya sa akin. Mas lalong lumungkot ang mukha ni Kiel nang makita niya ako.

"Umuwi ka na, Kiel. Malakas na ang ulan, baka magkasakit ka niyan." Sambit ko sa kanya.

"Mag-usap tayo. Please, kahit saglit lang." Paki-usap niya.

"Nag-uusap na tayo." Sagot ko sa kanya. Lumapit siya pero umatras ako dahilan para mapatigil din siya.

"Alam kong galit ka sa akin, baby patawarin mo na ako. Babawi ako sayo." Sambit niya habang nagmamaka-awa sa akin.

"Kaya mo bang bawiin yung buhay ng anak natin?" Tanong ko sa kanya. Hindi kaagad siya nakasagot.

"Hindi diba? Walang sinuman ang makakabawi ng buhay ng anak natin. At hangga't may takot at sakit pa dito sa puso ko, hindi kita mapapatawad." Sagot ko sa kanya at tumalikod na.

Papasok na sana ako sa loob nang tumalikod ako at tumakbo papunta sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya at binigay sa kanya ang payong na hawak ko. Nagtama ang mga mata naming dalawa, nakaramdam ako ng pagkasabik sa kanya pero hindi ko yun inisip. Mabilis akong tumalikod at tumakbo papasok ng bahay namin.

-

Nagsimula na ulit akong magtrabaho, ilang linggo din akong di nakapasok dahil sa sobrang lungkot na naramdaman ko. Sinabi ko naman yun kay Sir Artur at naintindihan naman niya.

Forever BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon