Chapter 32 Can we be friends?

383 16 0
                                    

32: Can we be friends?

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»


"Can I treat you to dinner?"

Diretsong tanong ni Sir Artur sa akin. Hindi ko alam kung para saan ang pag-aaya niya. Ilang segundo din akong di nakasagot sa kanya.


"Please, I just want to apologize to what happened last night." Paki-usap ni Sir Artur sa akin.

Nakita ko ang sinseridad sa mga mata ni Sir Artur kaya pumayag ako sa inaalok niya. Pero sinabi ko sa kanya na isang oras lang ako pwedeng sumama sa kanya dahil kailangan kong umuwi sa amin at ayoko rin magtagal at magpagabi.


"Thank you for coming, Jassy." Nakangiting pasasalamat ni Sir Artur. Tumango ako at sumabay sa kanya paglabas. Nagpaalam na ako kina Cary at Pete.

Lumabas kaming dalawa ni Sir Artur sa building, sinabay niya ako sa sasakyan niya dahil hindi ko dala ang kotse ko. Tahimik lang ako buong biyahe. Huminto kami sa isang restaurant, sinagot ni Sir Artur ang pagkain ko. Tahimik kaming kumain, bigla naman nagsalita si Sir Artur.


"I invited you because I want to apologize about what happened last night." Panimula ni Sir Artur. Tiningnan ko lang siya.

"Don't worry, nakausap ko naman na yung guard na nanuntok kay Kiel. I told him to apologize to the both of you personally." Dugtong ni Sir Artur, tumingin siya sa mga mata ko nang magtama ang paningin naming dalawa; mabilis siyang umiwas ng tingin.


"Bakit niyo 'to ginagawa, Sir?" Yun na lang ang naitanong ko sa kanya.

Nag-angat siya ng tingin at bumuntong hininga.


"Hindi ko din alam kung bakit, Jassy." Yumuko si Sir Artur.

"Hindi ko din alam kung bakit ginagawa ko 'to. Basta masaya ako kahit nasa tabi lang kita." Inangat niya ang ulo niya at tumingin sa akin. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.


"Anong ibig mong sabihin, Sir?" Tanong ko pabalik sa kanya.

"Alam at tanggap kong may asawa ka na, na mahal mo talaga si Kiel. Tinanggap ko yun, Jassy. Kahit masakit kasi yun yung totoo. Wala akong lugar sa pagmamahalan niyong dalawa. Pero ikaw? May lugar ka dito sa puso ko." Nagulat ako sa huling sinabi ni Sir Artur. Naalala ko ang huling sinabi niya nung sumayaw kami kagabi.


"But you can't blame gravity for things that are falling. As well as my heart, that is falling for you."

"Kahit hindi kita mahawakan, mayakap o mahalikan man lang, basta nasa tabi kita, masaya na ako. Katulad ngayon, I feel so happy right now just seeing you sitting there. I like you, Jassy. I like you even though it's wrong." Nakatingin lang ako sa mga mata ni Sir Artur na puno ng sinseridad habang sinasabi niya ang nararamdaman niya sa akin.


"Please, kahit ambunan mo lang ako ng pagmamahal mo." Nagulat ako nang biglang yumuko si Sir Artur at hinawakan ng napakahigpit ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa.

"Hindi ko kayo guguluhin pero hayaan mong ilabas at iparamdam sayo ng puso ko ang nararamdaman niya." Pakiusap niya habang nakayuko pa din at nakahawak sa kamay ko.


Huminga ako ng malalim tsaka dahan-dahang inalis ang kamay ko sa kamay niya. Pinagsaklob at pinaglaruan ko ang kamay ko tsaka umiwas ng tingin sa kanya.

"Sir Artur, alam niyong si Kiel lang ang mahal ko. I'm sorry but pagmamahal lang ng kaibigan ang kaya kong ibigay sayo." Hindi makatingin na sagot ko sa kanya. Ngumiti ako ng tipid tsaka tumayo.


Forever BelovedWhere stories live. Discover now