Chapter 50 Love can thaw a frozen heart

262 15 2
                                    

50: Love can thaw a frozen heart

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»

Gumising ako dahil sa alarm ng cellphone ko. Alas otso na ng umaga at agad na sumagi sa isip ko ang paglilinis na gagawin namin ni Kiel sa bahay.

Agad na kumabog ang puso ko nang maalala kong magkikita kami ngayon. Pero bago ko pa iyun maisip, agad na umikot ang paningin ko. Mabilis akong tumayo at pumunta sa cr.

Morning sickness, hays.

Nag-ayos na ako para sa lakad ko ngayon. Mabuti naman at medyo umaayos na ang pakiramdam ko. Habang naghihintay ako ng oras, narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko.

(Hi Jassy!) Bati niya sa kabilang linya.

"Hello Drake." Bati ko pabalik.

(Are you busy?)

"Uhm...may gagawin lang mamaya." Sagot ko sa kanya.

(Ahh, kamusta pakiramdam mo?)

"Ayos lang ako."

(Nagpacheck up ka na ba?)

"Uhm...oo. Next Saturday ang kasunod kong appointment."

(Uhm...sige. Gusto mo bang samahan kita?)

"Ahh sige. Okay lang." Sagot ko sa tanong niya. Nagpaalam na ako at ibinaba ko na ang tawag.

Pagkatingin ko sa orasan ay alas gis na, kaya agad akong pumunta sa sasakyan ko. Nagsimula na akong magmaneho. Hindi ko alam kung bakit habang palapit ako sa bahay namin ay kinakabahan ako.

Kakatok pa lang ako sa pintuan nang agad itong bumukas. Nagulat ako at nakita ko si Kiel na naka sleeveless white top at short. May hawak siyang walis at nagulat din siya nang makita ako.

"Good morning!" Bati niya sa akin. Pumasok na ako sa loob.

Nakita ko ang iba't ibang panlinis ng bahay na naka-ayos sa isang gilid.

Napansin ko naman si Kiel na nakatingin sa akin. Bumaba ang tingin niya sa damit ko sabay ngiti at tawa ng mahina bago lumabas ng bahay.

Tumingin naman ako sa damit ko. Naka embroidered white sleeveless dress ako at brown sandals at nakapusod ang buhok ko. Nag dress ako dahil pag nag fitted akong damit, mahahalata na ang baby bump ko.

Bakit ganun makatingin yun? Baduy ba ako manamit?

"Kumain ka na ba?" Rinig kong tanong niya galing sa pintuan.

Saglit ko lang siya tiningnan bago sumagot.

"Yup," simpleng sagot ko sa kanya.

"Nasaan na yung mga pamunas?" Tanong ko sa kanya habang hindi siya binabalingan ng tingin.

"Uhm, kuhanin ko lang. Saglit." Sagot niya at nagmadali. Tumango ako nang hindi pa din siya tinitingnan.

Ang gwapo niya talaga, kainis!

Inusog ko ang sofa dahil gusto kong kuhanin ang kalat na nasa ilalim nito. Mukhang nakita ko ang damit kong matagal ko nang hinahanap. Medyo mahirap itulak ang sofa dahil mabigat.

"Ako na!" Nagulat ako nang biglang tinulungan ako ni Kiel na itulak ang sofa. Nasa likuran ko siya at kinulong niya ako sa mga bisig niya.

Parang napaso ang kamay ko nang lumapat ang malaking kamay niya sa akin. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko.

Forever BelovedWhere stories live. Discover now