Chapter 2 Someday

2.4K 84 3
                                    

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»


2: Someday

[Someday acoustic cover by Hashtag Wilbert Ross (originally by Nina)]


Isang taon ang lumipas at nasa ika-siyam na baitang na ako. Ang bilis ng panahon, isang taon na lang ay makakagraduate na ako ng high school. Sa loob rin ng isang taong iyun, nasimulan kong pansinin si Ingrid. Kilala ko na siya matagal na, pero ngayon lang ako nakaramdam ng kakaibang pakiramdam sa kanya.


"Saan nanaman ang punta niyo mamaya? Arcade?" Tanong ni Ingrid sa akin. Magkatabi kami ngayon sa upuan namin habang wala pang teacher.



"Nope. Kina Aiden lang." Sagot ko sa kanya habang inaakbayan.


"Wag mo akong linoloko Kiel Salazar. Alam kong makikipag-away nanaman kayo mamaya." Bulyaw niya sa akin. Inalis niya ang braso kong naka-akbay sa kanya. Kumunot naman ang noo ko.



"Hindi kita linoloko, wala akong ibang babae." Depensa ko sa kanya. Tiningnan lang niya ako ng blanko.


"Hindi iyun. Ang ibig kong sabihin, wag mo akong lokohin na pupunta ka kina Aiden. Dahil alam kong makikipag-rumble kayong tatlo mamaya!" Paliwanag niya sa akin. Hindi kaagad ako nakasagot sa kanya.



"Palagi ka na lang nakikipag-away. Ano bang gusto mong gawin sa buhay mo? Palagi nila akong tinatanong na sa dami-dami ng lalaking gusto ako, bakit ikaw pa daw yung sinagot ko." Napalayo ako sa kanya at napa-iling.


Mahal ko si Ingrid kung sino siya. Naiintindihan kong hindi ako ang unang priority niya, at ang pag-aaral at pangarap ang una niyang priyoridad sa buhay. Pero ramdam kong hindi niya ako mahal, hindi sa linoloko niya ako o nakikipaglaro siya. Kundi, hindi niya ako mahal sa kung sino ako. Ramdam kong nahihiya siya sa iba dahil sinasabi ng iba na fvck boy ang naging boyfriend niya. Ano nga naman iisipin ng iba at ng mga magulang niya sa gagong katulad ko? Tsk!



Napangisi na lang ako at nagtiim bagang. Pinipigilan ko ang sarili ko. Baka may masabi akong hindi maganda.


"Ano?! Mananahimik ka na lang dyan? Gumawa ka na ng assignment natin. No assignment ka nanaman kanina." Bulyaw niya. Tumingin ako sa ibang bagay. Kinuha niya ang bag ko at hinanap ang notebook ko.



"Nasaan na yung notebook mo?" Tanong niya. Nagtiim bagang ulit ako.


"Nasa bahay, naiwan ko." Walang emosyong sagot ko sa kanya. Kinalampag niya ang desk niya kaya napalingon ako.



"Bahay niyo ba yung nag-aaral? Ano ba Kiel! Tinutulungan kitang makahabol sa grades mo, para mag-iba ang tingin nila sayo. Pero kung ganyan ka at hindi mo tinutulungan ang sarili mo, wala na akong magagawa!" Atungol niya sa akin. Bigla na akong napatayo. Kinalampag ko ng malakas ang desk ko dahilan para mapatingin sila sa akin.

Forever BelovedWhere stories live. Discover now