Chapter 12 The real Sir Artur

3K 103 106
                                    

 «Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»   


12: The real Sir Artur



"Mauna na ako, Jassy. Bye!" Paalam ni Cary sa akin. Bumeso siya bago naglakad palayo sa amin.


"Uy teka lang! Hintayin mo ako Cary!" Sigaw ni Pete na nagtatatakbo. Lumingon siya sa akin at kumaway na lang habang hinahabol si Cary na mabilis ang lakad.



Tinawanan ko na lang silang dalawa. Naglakad na ako pabalik sa desk ko at inayos ang mga gamit ko. Pinagkumpol-kumpol ko na rin ang mga folders bago ibigay kay Sir Artur. Nagpunta ako sa opisina niya. Ilang beses kong kinatok ang opisina niya pero walang sumasagot dito. Hinawakan ko ang knob ng pintuan at bubuksan na, nang biglang may magsalita sa likuran ko.


"Walang tao sa opisina ni Sir. Hindi siya pumasok ngayong araw." Rinig kong sambit ni Melisa sa akin. Diretso siyang nakatingin sa akin habang blanko ang ekspresyon ng mukha niya.



"Ahh, ganun ba. Sige bukas ko na lang ibibigay 'to sa kanya." Sabi ko sabay pakita ng mga folders na hawak ko.


"Ako na ang magbigay sa kanya." Presinta niya pero mabilis naman akong umiling.



"Naku, wag na. Nakakahiya. Ako na lang magbibigay kay Sir." Sagot ko at nginitian ng tipid si Melisa. Tumango ako at sumenyas na mauuna na akong umalis.


Linagay ko sa drawer ko ang mga folders at kinuha na ang sling bag ko. Sumakay na ako sa loob ng kotse ko at kinuha ang cellphone ko.



Ako:

  Kamusta pagre-review?


Tinext ko si Kiel at kinamusta siya sa pagre-review niya. Last exam na nila bukas kaya simula kanina pa lang tanghali, nagre-review na siya. Hindi rin kasi biro ang mag-aral ng medicine. Kailangan mo ng tiyaga at pasensya sa pag-aaral. Kaya sobra akong nabibilib kay Kiel, gustong-gusto niya talagang makapagtapos ng pag-aaral sa medisina.



Kiel:

  Ayos lang. Sumasakit na ang ulo ko. Punta ka naman dito.


Napanguso ako sa reply niya sa akin. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Mabilis akong nagmaneho at binilhan siya ng mga snacks na favorite naming kainin dalawa.



"Good evening Halmoni Ester!" Bati ko kay Halmoni ng salubungin niya ako sa pintuan ng bahay nila Kiel.


"Magandang gabi din, ija. Nasa itaas si Kiel, kanina ka pa hinihintay. Hindi daw siya makapag pokus nang di ka nakikita." Natatawang sambit ni Halmoni Ester sa akin. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil sa sinabi niya. Gash! Si Kiel talaga!

Forever BelovedWhere stories live. Discover now