Chapter 3 Ako'y tinamaan

2.3K 93 5
                                    

 «Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»


3: Ako'y tinamaan

(Ako'y tinamaan by REO BROTHERS)


Weird


Iyan ang nararamdaman ko sa tuwing hindi ko nakikita si Jassy o kaya naman, hindi ko siya na-aasar. Na we-weird-duhan ako sa sarili ko. Hindi ko kasi mapigilang matawa kapag nakikita ko ang mukha niyang asar na asar sa akin. Para kaming si Tom and Jerry kung mag-away. Kahit na sinasadya kong asarin siya, minsan gusto ko na lang tumingin sa kanya at tumitig. Alam mo yun, parang gusto ko na lang i-display yung mukha niya sa kwarto ko tapos tuwing umaga iyun agad ang makikita ko.



Nababaliw na ata ako.


Lumipas ang ilang linggo ng paghingi ko ng tulong kay Jassy, para pa rin kaming si Tom and Jerry kung mag-away. Ako 'tong asar sa kanya, siya naman 'tong asar-talo sa akin. Ang linggong iyun ay naging buwan. Palagi ko siyang inaasar kahit na alam ko minsan napipikon na siya sa akin. Pero ang totoo niyan, excuse ko lang talaga ang pang-aasar sa kanya. Gusto ko kasi palagi ko siyang nakakasama.



"Saan mo gusto pumunta, Kiel?" Tanong ni Ingrid sa akin habang nakakunyapit siya sa braso ko.


Pagkatapos ng birthday party ni Ingrid. Hiningi ko ulit ang matamis niyang oo. Plinano ko na iyun dati pa. Pero pansin ko ang bahagyang paglayo ni Jassy sa akin. May mga oras na hihintayin ko siya sa hallway para asarin pero wala lang siyang reaksyon sa akin. Hindi ko alam, pero parang linalayuan niya ako. Hindi ko naman alam ang sagot kung bakit.



"Kiel..." Tawag ni Ingrid sa akin. Napatingin ako sa kanya at itinigil ang pag-iisip.


"Ano?" Sagot ko sa kanya. Hindi ko narinig ang tanong niya kanina.



"Sabi ko saan mo gustong pumunta? Ano bang iniisip mo?" Nakakunot-noong tanong niya sa akin.


"Wala yun. Kain na lang muna tayo." Sagot ko at hinila na siya. Ngunit pinigilan niya ako.



"Eh kakakain lang natin. Punta na lang tayo sa dep store." Sambit ni Ingrid. Napakunot ang noo ko.


"Bibili ka nanaman ng dress? Eh kakabili lang natin kanina ah." Sagot ko at tinuro ko pa ang paper bag na dala-dala ko.



"Hindi dress. Bibili ako ng makeup." Sagot niya sa akin. Nag puppy eyes siya at ngumuso. Tumango na lang ako at pinagbigyan siya sa gusto niya.


Pumunta kami ng dep store at binitawan niya ang kamay ko tsaka siya tumakbo papuntang makeup section. Tumayo naman ako sa gilid at hinintay siya.



Naalala ko tuloy si Jassy. Hindi siya mahilig sa mga ganyan. Polbos at chapstick lang ata ang meron siya. Oh baka naman naglalagay siya ng mga ito pero hindi nga lang kapag pumapasok. Ewan ko. Pero para sa akin, hindi na kailangan ng mga babae ang ganitong klaseng kolorete sa mukha. Mas simple, mas maganda. Dahil hindi naman yung makeup ang mamahalin mo kundi ang babaeng nasa likod ng makeup na iyun.

Forever BelovedWhere stories live. Discover now