Chapter 37 Acceptance

644 19 11
                                    

37: Acceptance

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»


Totoo nga ang sinasabi ni Kiel kagabi na sasama siya sa akin sa trabaho at hindi iyun panaginip lang. Dahil akala ko gawa-gawa lang yun ng magulo kong utak dahil inaantok na ako kagabi dahil sa pagod.


Nasa kotse na kami ni Kiel at siya na ang nagpresentang magmamaneho. Kakapasok ko lang sa loob ng sasakyan niya at nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin.



"Ako na, magandang asawa ko." Rinig kong sambit niya at hinalikan ang pisngi ko bago linagay ang seatbelt ko.


Hindi naman agad ako nakapagreact sa kanya pero ngintian ko siya at hinawakan ko ang leeg niya tsaka linapit ang mukha niya sa mukha ko.



"Bolero ka talaga, asawa ko." Natatawang kantyaw ko sa kanya tsaka ko hinalikan ang labi niya. Nakita kong namula ang mga pisngi niya sa ginawa ko.


"Kailan pa kita binola, misis ko? Oo at magaling ako sa basket ball pero hindi ako tumakbo ng mabilis nung nakatira ako sayo ng tres." Nalaglag ang bibig ko dahil sa sinabi niya at agad ko naman iyung nakuha kaya hinampas ko ang braso niya.



"Ang bastos neto." Kantyaw ko sa kanya. Tumawa naman siya at hinawakan ang kamay ko tsaka ito hinalikan.


Ngumiti siya sa akin at nagsimula ng magmaneho habang hawak-hawak pa din ang kamay ko.



Pinark ni Kiel ang kotse niya sa labas ng kompanya at naunang lumabas. Sinundan ko naman siya ng tingin habang umikot siya sa harapan at pinagbuksan ako ng pintuan. Linahad pa niya ang kamay niya na parang prinsepe siya at inaalalayan niya ang prinsesa niya sa pagbaba.


Natawa naman ako at pinaunlakan ang kamay niya. Ngumiti siya sa akin at yumuko pa sa harapan ko na parang nag bo-bow. Mas lalo akong natawa sa kanya kaya hinampas ko ang braso niya.



"Para kang sira, wala naman tayo sa red carpet ng award show." Natatawang kantyaw ko sa kanya.


"Bakit pang award show lang ba yung ginawa ko? Hindi ba pwedeng gawin iyun ng prinsepe sa kanyang prinsesa?" Nakangising tanong niya habang linalapit niya ang mukha niya sa akin.



Mabilis namang nag-init ang pisngi ko at nakita kong napapatingin sa amin yung mga taong dumadaan kaya bahagya kong tinulak si Kiel.


"Tara na, ang kulit mo nanaman. Baka mala-late pa ako." Palusot ko dahil alam kong hahalikan ako ni Kiel.



Walang hiya din yung mister ko eh, hindi nahihiyang tukain ako kahit saan mang lugar.

Forever BelovedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang