Chapter 57 Late at Night

257 15 6
                                    

57: Late at Night

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»

Gaya ng sabi ni Kiel. Nagpalipas na kami ng gabi sa condo niya. Mas lalong lumalakas ang ulan kaya hindi rin kami makakauwi ni Joaquin.

Naramdaman kong may pumulupot na malambot sa aking likuran. Tumingala ako at nakita ko si Kiel na may hawak na isang puting tuwalya.

"Baka sipunin ka." Sambit niya habang linalagay ito sa balikat ko.

"Salamat, Kiel." Sambit ko at tinggap iyun.

"Ah, Kiel!" Tawag ko sa kanya tsaka tumayo ako.

"Pwede bang makigamit ng cr? Papaliguan ko lang si Joaquin." Tanong ko sa kanya.

"Sige, doon na lang sa loob ng kwarto." Sagot niya tsaka tinuro ang kwarto niya.

Tumango ako sa kanya. Tinawag ko si Joaquin. Bigla akong nakaramdam ng kaba nang mapalapit na kami sa kwarto ni Kiel. Hinawakan ko ang door knob at dahan-dahan itong pinihit.

Pumasok kami sa loob ng kwarto ni Kiel. Pagkapasok mo pa lang rito, makikita mong kwarto ito ng isang lalaki. Naglakad kami ni Joaquin papasok sa loob. Napukaw ng mata ko ang isang picture frame na nasa gilid ng kama ni Kiel. Hindi ko iyun masyadong nakita dahil tumakbo na papasok ng cr si Joaquin.

Pinaliguan ko muna si Joaquin, mabuti na lang at palagi akong may pinapabaong extrang damit sa kanya. Lumabas na kami at naabutan ko si Kiel na naka-upo sa sofa. Basa pa din ang buhok niya at mukhang natuyo na ang damit niya.

"Magpalit ka na, Kiel. Baka matuyuan ka." Sambit ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin tsaka tumayo.

"May pagkain dito, alam kong napagod si buddy." Sambit ni Kiel tsaka nakipag fist bomb kay Joaquin. Humiyaw naman sa saya si Joaquin tsaka lumapit sa mga pagkain.

Pinunasan ko naman ang sarili ko, medyo basa pa ang buhok at damit ko. Wala akong dalang pamalit dahil biglaan ang pagpunta namin dito. Hinayaan ko na lang ang sarili ko at inasikaso si Joaquin.

"Jassy..." Rinig kong tawag ni Kiel sa akin. Lumingon ako sa kanya.

Naka-gray jogging pants siya at white t-shirt, nagpupunas rin siya ng basa niyang buhok. Mukhang nag shower siya.

"May damit akong hinanda sa kama. Baka gusto mong magpalit." Sambit niya tsaka umiwas ng tingin sa akin.

Tumango ako tsaka tumayo.

"Pakitingin muna si Joaquin." Bilin ko sa kanya. Tumango naman siya.

Naglakad papasok sa kwarto ni Kiel. Nakita ko ang isang white t-shirt at short na itim. Alam kong damit niya ito. Kinuha ko ito at sinuot. Naalala ko ang isang picture frame na nakita ko kanina. Lumapit ako roon at tiningnan iyun.

Nakita ko ang isang litrato ng batang babae na masayang-masayang nakangiti. Kinuha ko ito at pinagmasdan. Nasa swing siya at naka-pig tails ang buhok niya. Nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko kung sino ang babaeng iyun.

"Jassy?" Narinig ko ang katok ni Kiel kaya agad kong binaba ang picture frame na hawak ko.

"Yari ka na ba?" Tanong niya. Kinuha ko na ang damit ko.

"Uh, oo. Saglit lang." Sagot ko at lumabas na ng kwarto ni Kiel.

Nagkatinginan kaming dalawa. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. Bigla siyang ngumisi at umiwas ng tingin.

"Nakatulog na si Joaquin habang kumakain. Napagod panigurado." Sambit niya tsaka tinuro si Joaquin na nakadukmo na sa lamesa at nakapikit habang dahan-dahan niyang nginunguya ang pagkain niya.

Forever BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon