Chapter 48 Bestfriend

218 12 0
                                    

48: Bestfriend

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»

"Let's go," Nakangiting aya ni Drake sa akin habang pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan niya.

Nginitian ko siya pabalik bago sumakay sa loob ng sasakyan niya.

Sinuot ko ang seatbelt ko at hinintay ang pagpasok ni Drake sa loob ng kotse niya. Nagsimula na siyang magmaneho. Ilang minuto lang ang naging biyahe namin dahil hindi na ganun ka traffic, pasado alas gis na din ng gabi.

Hinatid ako ni Drake sa harap ng bahay namin. Nginitian ko siya ng tipid.

"Did you enjoy the night?" Tanong ni Drake sa akin. Napataas naman ako ng kilay sa kanya.

"Oo naman, nag enjoy ako." Sagot ko at tipid na ngumiti sa kanya.

"Ikaw ba?" Tanong ko sa kanya. Nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumiti.

"Yes, I enjoyed it with you." Sagot niya sa tanong ko.

Magtatanong pa lang sana ako tungkol sa sagot ni Drake nang bigla siyang magsalita.

"Anong ibig sabihin ni Pete sa sinabi niyang dalawa ang kasama ko?" Nagtatakang tanong ni Drake sa akin.

Napangiti naman ako habang nakayuko. Gumapang ang kaba at saya sa puso ko.

"Huh? Uhm..." Panimula ko. Napahawak ako sa tiyan ko tsaka nag-angat ng tingin kay Drake na nag-aabang ng sagot ko.

"Drake..." Tawag ko sa kanya. Huminga ako ng malalim.

"I'm pregnant." Nakangiting sambit ko sa kanya. Agad na nanlaki ang mga mata niya at nalaglag ang kanyang bibig.

"What? Wait!" Sigaw niya. Natawa naman ako bigla.

"Really? You are pregnant?" Di makapaniwalang tanong ni Drake.

Ilang beses akong tumango sa kanya habang natatawa.

"I'm so happy for you!!" Sigaw niya at nagulat ako nang hilahin niya ako palapit sa kanya para yakapin.

Si Drake ang unang kumalas mula sa pagkayakap niya sa akin at nginitian ako. Yumuko naman ako dahil bigla akong nakaramdam ng ilang sa aming dalawa.

"Ilang months na?" Tanong niya sa akin.

"Isang buwan mahigit na." Nakangiting sagot ko sa kanya. Sinuklian din niya ako ng isang matamis na ngiti.

"Congrats, Jassy. Dreams do come true." Nakangiting sambit ni Drake sa akin.

Naramdaman ko ang sayang nararamdaman niya. Kaya umukit sa labi ko ang isang malawak na ngiti sabay hawak sa braso ni Drake.

"Salamat, Drake. Salamat din sayo." Nakangiting sambit ko sa kanya. Ngumiti siya ngunit kumunot din ang noo niya.

"Thank you for what?" Tanong niya sa akin.

"Thank you for being there. Even in times I didn't expect you to be there." Sagot ko sa kanya. Mas lalong lumawak ang ngiti ni Drake sa akin.

Hinawakan naman niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya.

"You're always, welcome. Prinsesa ko." Sagot niya sa akin. Nagtaka naman ako sa huling sinabi niya dahil mahina iyun at mabilis.

"Ano yung huling sinabi mo?" Tanong ko sa kanya.

"Wala," Sagot niya at binitawan ang kamay ko. Ganun din ang ginawa ko sa kamay kong nakahawak sa braso niya.

"I guess things are the best when it is unexpected." Dugtong pa niya. Napatango ako sa sinabi niya.

Forever BelovedWhere stories live. Discover now