Chapter 61 Going home

259 15 2
                                    

61: Going home

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»



"Yes, Kiel. We're going home."

Dalawang linggo rin naming inayos ang pag-uwi namin. Hindi naging madali ang lahat pero dahil gusto naming makauwi, ginawan namin iyun ng paraan. Dalawang linggo na rin kaming ayos ni Kiel. Pagkayari nang pag-uusap namin sa hospital ay naging maayos na ang pakikitungo namin sa isa't-isa. Wala nang ilangan at wala ng sama ng loob. Masasabi kong unti-unti na rin kaming bumabalik sa dati ni Kiel.

One week before

"Kaya ko na, Mommy." Sambit ni Joaquin.

Pilit niya akong kinukumbinsi na kaya na niyang mag bike at hindi na daw ganun kasakit ang braso niya. Pilit ko din namang pinapaliwanag sa kanya na hindi pa pwede dahil ilang linggo pa ang sabi ng doktor.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan, nakita ko si Kiel na papasok sa loob habang dala-dala ang mga pinamili niya.

Napatingin siya sa akin bago kay Joaquin. Kumunot ang noo niyang lumalapit sa amin.

"What happened? Bakit nakasimangot ka, bud?" Tanong niya tsaka bumaling kay Joaquin.

Bumuntong hininga lang ako.

"Ayan, nagpupumilit na magbike." Sagot ko tsaka linabas ang mga pinamili ni Kiel.

"Bud, remember what I told you?" Tanong ni Kiel. Tumango naman si Joaquin.

"Kailangan pag pumunta tayo roon kasama ang Mommy mo, magaling ka na. Gusto mo bang ma-postponed yun at next year na tayo pumunta dahil gusto mo na agad magbike?" Paliwanag ni Kiel. Mabilis namang umiling si Joaquin.

Ngumiti si Kiel tsaka ginulo ang buhok ni Joaquin.

Sa loob ng isang linggo, mas naging malapit sina Joaquin at Kiel. Hindi naman masyadong nagtatanong si Joaquin pag palaging nasa apartment namin si Kiel. Lumiban din muna si Joaquin sa school dahil kailangan niya munang magpagaling.

Pumasok ako sa kwarto ni Drake para maglinis pero napatalon ako nang hawakan ni Kiel ang kamay kong nasa door knob. Agad naman akong napalingon sa kanya.

"B-Bakit?" Tanong ko sa kanya. Tiningnan naman niya ako.

"Maglilinis ka na ba sa kwarto niya?" Tanong niya sa akin. Tumango naman ako.

"Can I help?" Nakangiti niyang tanong sa akin. Agad namang naningkit ang mga mata ko.

Binuksan ko na ang pintuan ni Drake at pumasok. Pumasok din si Kiel. Hindi naman ganun kadumi at kagulo ang kwarto ni Drake. May mga damit pa si Drake sa kama kaya pinulot ko yun. Chinat ako ni Drake at sinabi niya sa aking isabay naming iuwi ang mga damit niyang nakalimutan niyang iuwi. Nagulat naman ako nang pigilan ako ni Kiel sa pagpupulot.

"What?" Nakataas kilay na tanong ko sa kanya.

"Don't tell me ayaw mong hawakan ko ang damit ng ibang lalaki maliban sayo?" Kantyaw na tanong ko sa kanya.

Alam ko kung bakit sumama ito sa akin sa kwarto ni Drake. Para itong terroristang binabantayan ang teretoryo niya.

"I already told you, I don't want to see you holding, wearing or whatever you do with other men. Naiinis ako. Gusto ko ako lang." Seryosong sagot niya dahilan para matawa naman ako.

"Kilala mo naman si Drake ah. At tsaka wala naman siya sa kwarto niya." Katwiran ko sa kanya. Ngumuso naman si Kiel sa sinabi ko.

"Kahit na. Hindi natin alam kung anong pwedeng nandito." Masungit niyang sagot.

Forever BelovedWhere stories live. Discover now