Chapter 19 Prayer

1.2K 65 8
                                    

19: Prayer

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘» 


"That's the last patient, Doc." Nakangiting sambit ko habang umuupo sa upuang nasa gilid ng lamesa. Natawa naman si Kiel sa sinabi ko at napangiti.

"Feel na feel mo ang pagiging secretary ko ah." Asar niya sa akin. Natawa naman ako sa sinabi niya.


Biglaan kasing hindi nakapunta yung secretary niya kaya ako muna ang nag sideline bilang secretary niya. Madami-dami rin ang mga nagpacheck-up kay Doc. Kiel.

"Where do you want to eat?" Tanong niya sa akin habang inaayos ang mga gamit niya. Nag-isip ako ng kainan na pwede naming puntahan.


"Uhm, Korean resto na lang tayo." Sagot ko sa kanya. Medyo nagca-crave din ako sa mga Korean foods ngayon kaya tamang-tama kung pupunta kami roon.

"That's good. Let's go." Sambit niya at kinuha ang kamay ko. Lumabas kaming dalawa nang magkahawak kamay.


Madaming nurse ang napapalingon sa amin at napapatingin sa kamay naming dalawa. Nalaman na rin nila kung ano ako sa buhay ni Kiel. Kaya nagbago rin ang bati nila kay Kiel. Kung dati ay sobrang sigla, ngayon parang pilit na lang ang mga bati nila. Ewan ko, pero natutuwa ako. Alam nila kung saan ang lugar nila at ang lugar ko sa buhay ni Doc. Kiel.

"Bakit sinusundan mo ng tingin yung mga nurse?" Tanong ni Kiel habang naghihintay kami ng pagbukas ng elevator.


"Wala lang. Mukhang crush ka nila eh. Makatingin sayo, wagas." Sagot ko sa kanya.

"Ano?" Tanong niya sabay lapit ng tenga sa akin. Natawa na lang ako.


"Wala. Sabi ko, nagugutom na ako." Pag-iiba ko ng sagot. Siya naman ngayon ang tinawanan ako.

"Hahaha easy, baby. Kakain na tayo. Grabe naman yang tiyan mo, parang may sawa sa loob." Natatawang asar niya sa akin. Naningkit naman ang mga mata ko sa kanya.


Napatingin ako sa katawan ko. Mukha na bang may sawa ang tiyan ko? Di pa naman ako bloated ah? Tss. Naco-conscious tuloy ako. Bakit ano ba ang gusto niya? Yung pang-model na katawan? Yung katawan na parang di na kumakain at umiinom?

Biglang bumukas ang pinto ng elevator. Lumabas mula roon si Margaret na hindi suot ang putting coat niya. Naka white pantalon siya at sleeveless. Naka high-heels pa siya kaya mas lalo siyang tumangkad. Mas lalong kumurba ang katawan niya dahil hapit ang damit niya, at mas lalong nagpakita ang hinaharap niyang alam kong wala ako. Ngumiti naman siya sa aming dalawa ni Kiel.


"Hi! Saan punta niyo?" Tanong niya nang makita niya kami.

"Oh, kakain lang kami sa labas. Ikaw?" Sagot ni Kiel. Pinanood ko silang dalawa habang nag-uusap.


"I will just visit a patient. Enjoy your date." Sagot ni Margaret sabay ngiti sa amin ng matamis. Maglalakad na sana siya nang bigla siyang may sabihin at humawak sa braso ni Kiel.

"Oh! Before I forgot, we have a meeting tomorrow. Eight o'clock sharp." Sambit niya habang nasa braso pa din ni Kiel ang kamay niya. Tumango si Kiel samantalang ngumiti siya kay Kiel bago tuluyan nang maglakad.


Napa-irap na lang ako sa kawalan. Nagseselos nanaman ako. Ayoko ng nakikita ko. Kaya dahil sa iritasyon, marahas kong kinalas ang kamay ko sa kamay ni Kiel tsaka naglakad papasok sa elevator. Humalukipkip ako habang papasok sa loob si Kiel na may kunot ang noo.

"Are you okay?" Tanong niya sa akin. Tumango na lang ako kahit labag sa loob ko.


Nakakaselos kapag yung pinagseselosan mo mas nakakalamang sayo, lalo na't kapag pagandahan na ng katawan ang usapan. Walang-wala yung akin sa kanya. Tsk! Nakakapangliit tuloy. Anak ng lintek na pakwan!

Forever BelovedWhere stories live. Discover now