Chapter 63 Family

240 12 3
                                    

63: Family

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Biglang nanikip ang dibdib ko. Parang ang takot at trauma-ng naramdaman ko noon ay biglang bumalik. 

"This time, I'll make sure that Kiel will choose me." May buong loob niyang sambit. Tumingin siya sa akin ng diretso.

Hindi naman ako makapaniwala sa sinasabi niya. Gusto niya akong makipaghiwalay kay Kiel, gusto niyang iwan ko ulit si Kiel. 

Nabalot ako ng takot, naisip ko si Joaquin. Minsan ko nang iniwan si Kiel para mabuo ang pamilya nila. Sinakripisyo ko ang sariling karapatan ng anak ko para sa kanila. Pero bumalik si Kiel, hinanap niya kami. At ngayong nakita kong pinatunayan ni Kiel ang sarili niya sa akin at sa anak namin, sinikap kong labanan ang takot na 'to.

"No," Simpleng sagot ko sa kanya. Bumakas sa mukha niya ang inis na nararamdaman niya.

Lumapit siya at ngumisi sa akin ng nakakaloko. Yung ngising may masamang balak.

"Hiwalayan mo si Kiel o sasaktan ko si Joaquin."

Mas nanlaki ang mga mata ko at nalaglag ang bibig ko. Nang marinig ko ang pangalan ng anak ko mula sa kanya at ang balak niyang gawin ay parang sumabog ang mga bulkan sa katawan ko. Agad akong lumapit sa kanya.

*pak*

Nangilid ang mga luha ko habang naiinis na nakatingin kay Maurleen. Pakiramdam ko anytime ay aatakihin ako ng galit ko.

"Nahihibang ka na! I won't let you hurt Joaquin." Sagot ko sa kanya. Hindi naman siya nakagalaw dahil sa sampal ko.

"Magulang ka din, Maurleen. Nanay ka din. Paano mo nasasabi sa akin yan? Wala ka ba talagang maayos na mukhang maihaharap sa akin? Pati anak ko, sasaktan mo at idadamay mo sa gusto mo!" Galit na sigaw ko sa kanya.

Kahit na napupuno ako ng galit ay naramdaman ko ang pagbagsak ng mga luha ko.

Pwede mo kong husgahan pero hindi ang anak ko. Pwede mo kong saktan pero hinding-hindi ang anak ko. Naiintindihan kong lahat ng ina ay gagawin ang lahat para sa anak niya. Pero masyado naman siyang baliw para pati anak ko idamay niya sa gusto niya.

"Jassy?" Narinig ko ang boses ni Kiel. Napalingon kami sa kanya.

Biglang bumuhos ang luha ni Maurleen at nagpapansin siya kay Kiel. Napa-irap na lang ako.

"What happened? Lea told me na nawala si Joaquin and nagkita kayo ni Maurleen." Tanong ni Kiel. Sasagot pa lang ako nang sumabat nanaman si Maurleen.

"Kiel! Sinampal ako ni Jassy!" Madamdaming sambit niya. Liningon siya ni Kiel. "Nananakit yan!"

Nanlaki ang mga mata ko. Liningon siya ni Kiel.

"Hindi nananakit si Jassy dahil gusto lang niya. Sigurado ako kung sinampal ka niya, may dahilan siya para gawin sayo yun." Sagot ni Kiel.

Mata naman ni Maurleen ang nanlaki ngayon.

"Maurleen, paki-usap tigilan mo na kami ni Jassy. May pamilya na kami." Sambit ni Kiel sa kanya.

Mas lalo siyang napaluha.

"May pamilya din tayo! Paano si Megan ha!?" Sagot niya kay Kiel.

"No, may anak tayo. Alam kong kailangan ng nanay at tatay ng isang bata. Ginagawa ko ang lahat para sustentuhan si Megan at maging ama sa kanya. Husgahan mo ko sa pagkukulang ko sa inyo. Pero Maurleen, si Jassy ang pamilya ko. Siya at si Joaquin." Sambit ni Kiel. Para namang natunaw ang puso ko.

Forever BelovedWhere stories live. Discover now