Chapter 1 Estudyante Blues

3.4K 93 7
                                    

A/N: The following five chapters will be on Kiel's Point of View. Same scenes like in the past books but the difference is it will be on Kiel's POV and they will be flashbacks. I added some scenes so expect some revelations. (Charot! :P) And you will notice that every title of the chapters will be the same as the title of the song I featured. Enjoy!


«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»



1: Estudyante Blues

  

(Estudyante Blues by Freddie Aguilar)


Kiel's POV  

Sumandal ako sa upuan ko at binuklat ang magazine na puro mga litrato ng mga babae. Wala pa ang susunod na teacher namin kaya nasa kanya-kanyang mundo kaming lahat. Nagkakasatan sina Aiden at Lance habang nagsasasayaw naman ang mga kaklase kong babae. Yung iba nagbabatuhan ng papel at nang-aasar ng mga lampa naming kaklase. Hindi ko sila iniintindi, basta wag lang nila akong guguluhin-


"Hala lagot! Tinamaan mo si Kiel!" Sigaw ng isa sa mga kaklase kong lalaki na naglalaro ng bolang hinugis sa papel.


Dahan-dahan akong tumayo at dahan-dahan kong pinilig sa magkabilang direksyon ang aking leeg. Tumingin ako sa kanya.



"Bakit mo ako binato?" Tanong ko sa kanya. Hindi pa ako sumisigaw dahil pinipigilan ko pa ang sarili ko.


"Di ko naman sinasadya." Sagot niya at di na malaman ang gagawin.



"Diba sabi ko sa inyo, huwag niyo akong guguluhin! Busy yung tao oh!" Sigaw ko na sa kanila. Natigil sila sa ginagawa nila at napatingin sa akin.


"Sorry, di ko talaga sinasadya." Sambit niya sa akin. Napa-iling naman ako.



"Patay ka ngayon. Ginalit mo yung tigre." Bulong ng kasama niya. Mas lalo lang akong nainis.


"Ang mga bagay na di sinasadya ay hindi nangyayari dahil aksidente lang. Lahat ng bagay nangyayari dahil may dahilan. Kaya bakit mo ako binato?! Anong dahilan mo?!" Bulyaw ko sa kanya.



"Oy tigil na yan! Dalian niyo, lumabas kayo! May bagong transfer sa section one!" Sigaw ng kaklase kong babae. Mabilis na nagtakbuhan ang mga kaklase ko palabas. Sabay naman ang pagtakbo ng lalaking bumato sa akin.


Dahil sa inis ko, sinipa ko ang upuang nasa harap ko. Lintik yan, bubugbugin ko pa yung lalaking yun eh. Naglakad na lang ako palabas.



Tiningnan ko ang babaeng sinabi nilang bagong lipat. Grade seven din siya katulad namin pero sa section one siya. Mukhang matalino, section one eh. Napangisi na lang ako.


"Sino ba yan? Anong pangalan niya?" Tanong ko kahit na wala akong tinatanong.


Forever BelovedWhere stories live. Discover now