Chater 14 Picture

1.2K 53 12
                                    

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘» 

14: Picture

"Good Evening, Jassy." Isang malawak na ngiti ang sinalubong sa akin ni Sir Artur. Slacks at long sleeve white polo na lang ang suot ni Sir. Mukhang kakagaling lang niya sa opisina at dito agad siya sa amin dumiretso.



It is already passed nine o'clock in the evening. I didn't remember any meeting or related work that should be done. In short, hindi nabanggit ni Sir Artur sa akin ang pagpunta niya dito ngayon.

"Sir Artur, ano pong ginagawa niyo rito?" Tanong ko sa kanya. Nag-excuse si Mama kaya naiwan kaming dalawa ni Sir Artur sa sala.



"I came here because I want to—" Hindi na natapos ni Sir ang sasabihin niya dahil may naramdaman akong kamay sa aking bewang.

"Baby....." Bulong ni Kiel sa akin. Nagulat ako sa pagsulpot niya sa tabi ko. Is he drunk?



Agad kong tiningnan si Sir Artur. Napako ang mga mata niya sa kamay ni Kiel na malayang nakahawak sa bewang ko. Mabilis akong nakaramdam ng awkwardness.

"Oh, may bisita ka pala." Sambit ni Kiel nang mapuna niya si Sir Artur. Umayos siya ng tayo at mas lalo akong linapit sa kanya.



"Anong sadya natin?" Tanong ni Kiel kay Sir Artur. Binaling naman ni Sir Artur ang tingin niya sa akin.

"Uh, Kiel si Sir Artur nga pala. Boss ko." Pagpapakilala ko kay Kiel. Tumango si Kiel at naglahad ng kamay kay Sir Artur.



"Sir, si Kiel po—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang unahan ako ni Kiel.

"Fiancee. Fiancee ni Jassy." Dugtong ni Kiel habang nakikipagkamay kay Sir Artur.



Binitawan na ni Kiel ang kamay ni Sir, ngunit nanatili lang ang kamay ni Sir Artur sa ere. Para siyang natulala sa isang bagay kaya hindi siya nakagalaw. Nagtaka naman ako dahil sa nangyari.

"Anong sadya natin? About work?" Tanong ulit ni Kiel. Nang marinig ni Sir Artur ang boses ni Kiel, doon lang siya natauhan.



"May bulaklak ka pa? Para kay Jassy?" Sunod-sunod na tanong ni Kiel. Agad akong napalingon sa kanya. Nakita ko ang determinasyon sa mukha ni Kiel habang kausap si Sir.

"Kiel...." Mahinang suway ko sa kanya.



"Huh? Hindi. Binili ko yan dahil dadaan ako pagkayari sa isang sementeryo." Iwas na sagot ni Sir Artur sa amin.

"Hmm..." Tumango-tango si Kiel kay Sir Artur.



"Uhh...kaya pumunta ako dito, kasi gusto kong i-inform ka na may meeting bukas. And congrats na rin sa inyo. Best wishes." Mabilis na sambit ni Sir sabay talikod.

"Sir! Wait lang po!" Pigil ko kay Sir Artur. Lumapit ako sa kanya at humarap.



"Sir Artur, kain po muna kayo. Naghanda po si Mama." Aya ko kay Sir. Pilit kong hinuhuli ang mga mata ni Sir pero pilit naman niya itong iniiwas sa akin.

"Huh? Hindi na. Kailangan ko ng umalis. Napadaan lang ako dito kaya bumaba ako. Mauna na ako." Sagot ni Sir at mabilis akong linagpasan.



Hindi ko alam kung bakit nagmamadali si Sir. At tsaka bakit hindi siya makatingin sa akin?

"Baby...." Narinig ko ang pagbulong ni Kiel sa aking tenga. Hinawakan niya ang bewang ko habang nakatalikod ako sa kanya. Agad kong naamoy ang alak na ininom niya.



Forever BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon