Chapter 51 Takot

250 14 6
                                    

51: Takot

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»

Napakabilis ng kabog ng puso ko. Parang nakikipagkarera ang mga emosyon ko. Napabuntong hininga ako habang patuloy pa rin sa pagtulo ang aking mga luha.

"Hindi ko alam, Kiel. Hindi ko alam." Na-iiling kong sambit habang nakayuko.

Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Kung dapat bang maging masaya ako, dahil nasa akin pa din si Kiel. O, dapat akong malungkot dahil hindi na kami babalik sa dati na kaming dalawa lang. Hindi ako makapag-isip ng ayos at makapagdesisyon kaagad.

"Hindi mo kailangan magmadali, Jassy." Sambit ni Kiel. Humarap siya sa akin.

"I can always wait for you. Kahit gaano pa yan katagal basta ikaw ang hinihintay ko, kakayanin ko."

He smiled at me and kiss my forehead. Napapikit ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng labi ni Kiel sa aking noo.

I told you, Kiel. I'm too scared, I'm too scared to be happy again.

Patuloy pa rin itong umiikot sa isipan ko. Hindi ko maalis ang pangyayaring iyun sa amin ni Kiel kagabi. Hinatid niya ako sa amin pagkatapos kong sabihing gusto ko nang umuwi. Muntikan din akong hindi makatulog at para bang nasa outer space ang utak ko sa sobrang pagkalutang nito.

Nakahiga ako ngayon sa sofa nila Kuya Joshua. Nasa loob ako ngayon ng bahay nila habang kasama ang mga pamangkin kong manood. Nakaka-ilang popcorn na ako pero parang di ako nabubusog.

"Isang bowl pa?" Rinig kong tanong ni Ate Dianna. Napatingala ako sa kanya.

"Gusto mo kaldero na lang ibigay namin sayo?" Nakangisi at natatawang tanong ni Kuya sa akin.

Sinimangutan ko lang siya.

"Tito Drake!!" Rinig kong sigaw ni Damien.

Agad akong napa-ayos ng upo at napalingon sa pintuan. Nakita ko si Drake na naka leather jacket, white shirt at maong pants. May dala siyang malaking supot at sigurado akong pagkain ang laman nun. Napatingin naman siya kaagad sa akin.

Nginitian niya ako at ganun din ako. Yumapos siya sa mga pamangkin niya at agad itong kinamusta. Ilinipat ko na lamang ang atensyon ko sa tv pero naramdaman ko ang paglundo ng sofa at nakita kong tumabi si Drake sa akin.

"How are you?" Tanong niya sa akin at napatingin sa tiyan ko.

Ngumiti naman ako ng tipid tsaka umiwas ng tingin.

"Okay lang, medyo nagsisimula nang lumaki ang tiyan ko." Natatawang sagot ko sa kanya.

Tumawa naman siya ng mahina.

"Okay pa nga yung sayo, Jassy eh. Nung unang buwan ko sa mga pamangkin mo, parang dalawang buwan mahigit na ang tiyan ko." Rinig kong sambit ni Ate Dianna.

"Tama si Ate. Hindi pa naman ganun kalaki at kahalata ang sa iyo." Sambit ni Drake.

Kasama naming nanood si Drake. Dito na rin siya kumain ng tanghalian. Naiwan kaming dalawa sa sala dahil pinatulog nina Ate Dianna at Kuya sina Damien at Dinah. Binalot kami ng katahimikan, walang nagsasalita sa amin.

"Ayos na ba kayo ni Kiel?" Biglang tanong ni Drake sa akin. Napalingon naman ako sa kanya habang ngumunguya ng popcorn.

"Huh? Ahh...hindi pa. Pero nagka-usap naman kami." Sagot ko sa kanya. Napatango siya.

Forever BelovedOnde histórias criam vida. Descubra agora