Chapter 20 Bridal Shower

1.3K 53 17
                                    

20: Bridal Shower

  «Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘» 

"Jassy, let's go!" Sigaw ni Cary sa akin mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko. Nagmadali ako sa pagsuot ng sandals ko bago lumabas ng kwarto.

Isang makahulugang ngisi ang sinalubong ni Cary sa akin.



"Are you ready?" Tanong niya habang nakangisi. Inismidan ko lang siya.

"Tara na nga! Ngisi-ngisi ka pa dyan eh." Sagot ko sa kanya. Hinila ko na siya pababa sa hagdan.



Sinalubong kami ni Mama sa baba at ngumiti sa akin.

"Inggat kayo. Enjoy sa bridal shower, girls!" Sambit ni Mama sa amin. Tumango naman sina Cary at Ate Dianna. Hinila na nila ako palabas ng bahay.



"Ate, pumayag si Kuya Joshua na sumama ka?" Tanong ko kay Ate Dianna habang papunta kami sa kotse.

"Syempre, naman. Mag-aaway kami kung hindi niya ako papayagang sumama, eh sumama rin siya sa Bacherlor's party ni Kiel." Sagot ni Ate Dianna sa akin sabay tawa.



Natawa rin ako sa sinabi ni Ate Dianna. Nasa bahay namin sina Damien at Dinah. Maaga silang natulog dahil linggo ngayon at may pasok sila bukas. Si Mama at Papa ang bantay muna nila ngayon.

Pinadala ni Kiel ang driver nila para ipag-drive kami papunta sa bar na napili ng mga kaibigan kong babae para sa aking bridal shower. Ayos lang sa akin na wala ng ganito, pero makulit sila. Animo'y ito raw ang huling gabi na dalaga ako.



Sina Cary, Ate Dianna, Ingrid, Kyla, Marlisa, Sarah, Stephanie, Katelyn, Maddison, Madaline, Margot at Brianna ang nag-ayos ng bridal shower ko. Sina Cary at Ate Dianna ang sumundo sa akin sa bahay. Nandoon na raw sila at hinihintay kami.

"Don't be nervous, Jassy. Bridal shower mo lang 'to." Pagpapakalma ni Ate Dianna sa akin nang mapansin niyang kinakabahan ako.



Liningon ko siya at nginitian. "Thanks, Ate." Sagot ko sa kanya.

Nakapunta na rin ako sa bridal shower ni Ate Dianna pero saglit lang yun, dahil sumama ang pakiramdam ko at hindi ko kinaya yung mga larong naisip nila doon.



Bumaba kami sa kotse, tiningala ko naman ang isang mamahaling bar na patay-sindi ang ilaw sa labas. Medyo kinakabahan ako. Hindi talaga ako party-goer. Bilang lang sa daliri ko ang mga pagkakataong nakapunta ako sa mga bar.

"Let's go inside, hinihintay na nila tayo." Sambit nila at sabay kaming pumasok sa loob.



Sobrang daming tao, maingay na musika ang bumabalot sa buong lugar. Medyo nagkakasiksikan na kaya humawak ako sa kamay nina Ate Dianna at Cary. Napagtagumpayan naman namin ang paglalakad papunta sa exclusive room na rine-serve nila.

"Oh! Nandito na ang soon to be bride natin!!" Sigaw nilang lahat nang makapasok kami sa loob. Sinalubong nila ako.



"Congrats, Bii! Sorry ngayon lang ako naka-uwi, may inasikaso lang ako." Bati ni Kyla sa akin. Yumakap ako sa kanya ng mahigpit. Ngayon lang ulit kami nagkita.

"Congrats, Jassy! Malapit ka ng maging Mrs. Salazar." Bati ni Madaline sabay beso sa akin. Nginitian ko naman siya.



"Oo nga, masaya kami para sa inyo ni Kiel." Sambit naman ni Margot sabay hawak at shake sa kamay ko.

Forever BelovedWhere stories live. Discover now