Chapter 29 Angel

380 19 5
                                    

29: Angel

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»

Tumahimik na lang ako habang nag-uusap sina Margaret at Kiel. Nakatingin lang ako sa kanila habang sumisipsip ng orange juice. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila pero mukhang seryoso ang topic na pinag-uusapan nila.

Hindi ko maiwasang mainis sa nakikita ko pero ayoko namang mag-eskandalo dahil trabaho ang pinag-uusapan nilang dalawa. Hindi dapat ako mangialam at dapat marunong akong umunawa.



"It's okay, Kiel." Rinig kong sambit ni Margaret. Humarap siya sa asawa ko at ngumiti.

Bigla akong napatayo. Mabilis naman akong liningon ni Kiel at tinaasan ng kilay.



"Kukuha lang ako ng orange juice." Sambit ko sa kanya. Hindi ko na hinintay ang isasagot niya at mabilis na akong naglakad palayo sa table namin.

Hindi naman talaga ako kukuha ng orange juice. Gusto ko lang lumayo at maglakad-lakad. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako. Ilang weeks na akong aburido at tila madaling mainis at mawala sa mood. Hindi naman ako ganito dati pero bakit ganito na ang nararamdaman ko?



Umupo ako sa isang bato at pinagmasdan ang mga alon ng dagat. Yinakap ko ang sarili ko dahil sa lamig ng hangin.

"Why are you here?" Nagulat ako sa nagsalita sa likuran ko kaya napahawak ako sa dibdib ko.



Nakita ko si Sir Artur na nakapamulsa at nakatayo sa likuran ko. Inirapan ko siya.

"Sir, bakit ba nanggugulat kayo?" Sarkastikong tanong ko sa kanya. Naglakad siya at nagulat ako nang umupo siya sa tabi ko. Nakatingin lang ako sa kanya.



"Bakit nag-iisa ka dito? Nasaan ang..." Hindi natuloy ni Sir Artur ang sasabihin niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Nasaan ang asawa mo?" Dugtong niya at umiwas ng tingin sa akin.



"Ahh, abala sa trabaho." Simpleng sagot ko sa kanya. Tumango siya at sabay naming pinagmasdan ang dagat at bilog na buwan.

"How are you?" Tanong niya sa akin. Napalingon naman ako sa kanya.



"Okay naman po ako, Sir. Ikaw po?" Pangangamusta ko sa kanya.

"I guess, I'm doing good." Simpleng sagot ni Sir Artur sa akin.



"Nasalba ko naman ang kompanya, inasikaso ang mga papeles nito at nagpakalayo-layo para makalimutan yung naramdaman at nagawa ko sayo." Dugtong ni Sir Artur. Hindi naman agad ako nakasagot.

Nagtama ang mga mata naming dalawa at nakita ko sa mga mata ni Sir Artur ang sinseridad.



"Sana napatawad mo na ako sa nagawa ko sayo, sa inyo. Hindi ko dapat yun ginawa, nadala lang akong ng emosyon ko at tao lang din, nagkakamali." Sambit pa niya.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Kaya pinaglaruan ko na lang ang kamay ko at yumuko.



"Alam na ba ni Kiel?" Nagtaka ako sa tanong ni Sir Artur kaya napakunot ako ng noo.

Magtatanong pa sana ako nang biglang umikot ang sikmura ko. Napahawak ako sa bibig ko at napaduwal sa buhanginan. Hindi ko na nakayang pigilan at tumakbo papuntang cr, dito na ako sumuka. Mabilis ko namang naramdaman ang paghawak ni Sir Artur sa likuran ko.



"Jassy, you're—" Hindi na natapos ni Sir ang sasabihin niya nang biglang may sumigaw.

"Get off your hands on my wife!" Sigaw ng isang pamilyar na boses sa akin. Agad akong napatayo at nakita ko si Kiel na hawak ang damit ni Sir Artur.



Forever BelovedWhere stories live. Discover now