Chapter 49 Mess

270 12 1
                                    

49: Mess

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»

"I learn and I let go." Sagot ni Kyla sa akin. Ngumiti siya sa akin. "Alam nating mahirap at masakit. Pero hangga't lumilingon tayo sa nakaraan, hindi natin makikita yung bagay na linaan ng Diyos sa atin sa hinaharap." Dugtong niya. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Alam kong masakit pa din, Jassy. Masakit mawalan ng isang anghel. But you need to let go. Dahil hindi lang yun para sa future mo, kundi para din sa sarili mo. And I am sure na ganun din ang gusto ng mga babies natin na nasa heaven na." Sinserong sambit ni Kyla sa akin.

Tama si Kyla. Yes, masakit pa din hanggang ngayon ang pagkawala ng anak namin. Pero hangga't nakalingon ako sa nakaraan? Hindi ko makikita ang nakahanda para sa akin sa hinaharap kung hindi ako uusad.

"And..." Panimula ni Kyla. Nagulat ako nang ilagay ni Kyla ang kamay niya sa tiyan ko.

"This is the one that God prepares for you. Ito ang regalong linaan niya para sa future mo. May nawala man, mayroon namang pumalit. Always remember, that there will always be a rainbow after a storm." Nakangiti niyang sambit.

"Congrats sa baby mo." Bati ni Kyla sa akin. Nakita ko ang pagkinang ng mata niya dahil sa luhang nagbabadyang malaglag.

Napangiti naman ako sa kanya. Napatingin ako sa tiyan ko at kasabay nun ang paglaglag ng luha ko. Baby, thank you for being there. Ikaw ang nagsisilbi kong lakas, ikaw ang pag asa ko dito sa mundong puno ng pagsuko.

I looked at Kyla while I wiped my tears.

"I think it's time to fix myself. Oras na siguro para buuin na ang sarili ko." Sambit ko sa kanya habang nararamdaman ko ang pangingilid ng luha ko.

Ngumiti ng malawak si Kyla sa akin.

"Yan ganyan, bii. Oras na talaga para ayusin at buuin ang sarili mo. Ipakita mo sa kanila na maling saktan ka." Lumapit si Kyla sa akin.

"Kilala ko si Jassy na hindi sumusuko sa anumang problema at matapang sa kahit anumang sakit na maramdaman niya." Confident na sambit ni Kyla habang inaayos niya ang buhok ko.

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"I think I lost that Jassy." Malungkot at naluluha kong sambit sa kanya.

Umiling si Kyla sa sinabi ko.

"No, you didn't. I know she is there, and we will find her." Nakangiti niyang sagot sa akin tsaka niya ako yinakap.

Doon na nalaglag ang mga luha kong nangingilid. Umiyak ako habang nakayakap sa bestfriend kong si Kyla.

"Alam mo, let's go shopping. This is the start of your Oplan balik alindog ni Jassy." Natatawang sambit ni Kyla habang bumubungisngis sa harap ko.

Natawa naman ako sa sinasabi niyang Oplan balik alindog ko.

Nagmaneho si Kyla papuntang mall. Sobrang excited siya habang nasa loob kami. Masaya din ako dahil after so many years, nakapagbonding ulit kami ni Kyla.

Ikinawit ni Kyla ang braso niya sa braso ko at nagsimula kaming maglakad. Pumasok kami sa loob ng isang hair salon.

"First sa listahan natin, new haircut." Nakangiting sambit ni Kyla sabay kindat sa akin.

Hinila na niya ako papasok. Kinawayan niya ang isang lalaking malaki ang katawan pero malalaman mo agad na beks siya dahil sa buhok at awra niya.

"Hi, sis." Bati niya sabay beso kay Kyla.

Forever BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon