Chapter 5 I'll never go

2.4K 87 12
                                    

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»  

5: I'll never go

(I'll never go by Erik Santos)



Hindi ko maipagkakaila na sa tuwing magkikita o magkakasalubong kami ni Jassy. Nasasaktan ang puso ko. Nasasaktan ako sa tuwing makikita kong masaya siya na hindi ako ang dahilan. Nakangiti siya habang nasa balikat niya ang braso ng taong mahal na mahal siya.

Tanggap ko.



Tinanggap ko. Tinanggap ko ang lahat ng kinalabasan ng desisyon ko. Pinanindigan ko ang desisyon kong ilayo siya sa buhay ko. Tinanggap ko rin ang paraan ng pagtingin niya sa akin, pakikipag-usap, at mga masasakit na salitang minsang nabibitawan niya. Naiintindihan ko. Sagad sa buto ang sakit na dinulot ko sa kanya. Alam kong kahit anong paghingi ko ng tawad sa kanya, hindi niya ako lubusang mapapatawad.

"I love you Kiel...." Bulong ni Vannah sa akin. Hindi ako sumagot sa kanya at hinabol ko lang ang hininga ko.



Tumingin ako sa gilid ng aking mata. Nakita kong nandoon pa rin siya, nakatayo at pinapanood kaming dalawa ni Vannah. Pinigilan ko ang sarili kong lumapit sa kanya.

Nakita ko ang pag-alis niya. Napatingin naman ako kay Vannah na hinawakan ang dibdib ko. Balak niya ako ulit halikan ngunit pinigilan ko siya.



"Tama na, ina-antok na ako. Matulog na lang tayo." Sambit ko para pigilan siya sa pag halik ulit sa akin.

Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. Linagay niya sa gilid niya ang magkabilang kamay niya tsaka tumingin sa akin.



"Bakit ayaw mo akong halikan? Kanina todo bigay ka pa nung nandyan siya, ngayon umalis lang siya ayaw mo na." Giit niya sa akin. Napapikit na lang ako dahil sa kanya.

"Diba iyun naman ang gusto mo? Ang malamangan mo si Jassy parati? Binigay ko lang ang gusto mo at iyun ang mga labi ko." Sagot ko sa kanya. Bahagya akong naka-inom kanina kaya medyo wala na akong kontrol sa mga sinasabi ko.



"What are you saying?! Bakit nagkakaganyan ka?" Inis na tanong niya sa akin pabalik.

Hindi ko rin alam, Vannah. Hindi ko rin alam.....



"You told me you love me!" Sumbat niya sa akin.

Yes I'm telling others that I love Vannah. Oo, mahal ko si Vannah. Iyun din ang alam ko simula pa lang ng relasyon namin. Pero nang dumating ulit si Jassy, doon ko napagtanto na ang pagmamahal na meron ako para kay Vannah ay hanggang kababata lang.



Yumuko ako sa harap niya. I need to fix myself.

"Ano? Bakit hindi ka makasagot ngayon?!" Tanong niya ulit sa akin. Nanatili akong nakayuko at hindi sumasagot sa kanya. Ayokong buksan ang bibig ko dahil alam kong aaminin lang ng sarili ko ang totoo niyang nararamdaman once na magsalita ako.



Bigla akong hinampas ni Vannah sa aking dibdib. Humagulgol siya ng iyak na puno ng galit. Tinanggap ko lang ang lahat ng iyun. Marahil may kutob at pagduda na rin si Vannah. Hindi ko sinasabi sa kanya ang totoong lagay ng damdamin ko. Dahil kahit ano pa siya, alam kong masasaktan siya kapag nalaman niya.

"Ito ang tatandaan mo, Kiel! Huwag na huwag kang aamin sa akin sa nararamdaman mo kay Jassy at ang totoong lugar ko dyan sa puso mo. Dahil binabalaan kita, hindi mo pa nakikita kung sino talaga si Savannah." Banta niya at naglakad na palayo sa akin.



Forever BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon