Chapter 4 The man who can't be moved

2.3K 97 17
                                    

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»


4: The man who can't be moved


(The man who can't be moved by The Script)



"Falling in love is like the rain. It's unpredictable, but there are always signs before it completely falls." -unknown


You can't predict love.



You can't predict where and when you will fall in love.


You can't predict who will you love.



I fell in love in the most unexpected time, unexpected place and with the most unexpected girl.


Hindi biro ang napagdaanan ko, makuha ko lang si Jassy. Sumalo pa ako ng bala para lang sa kanya. Pero kahit kailan hindi ko iyun pinagsisihan. Dahil mas pipiliin kong ako ang matamaan, huwag lang siya. Huwag lang ang babaeng nagpapatibok ng puso ko.



Alam kong mali ang naging desisyon ko. Pareho kong nasaktan sina Ingird at Jassy. Pero nagpapasalamat ako kay Ingrid dahil na-intindihan niya ang nararamdaman ko. Nagawa niyang magparaya para sa aming dalawa ni Jassy, at dahil dun hinihiling ko na sana isang araw makatagpo siya ng lalaking mamahalin siya ng higit pa sa nagawa ko.


Totoo nga ang sinasabi nila, kapag umibig ka. Pakiramdam mo ikaw na ang pinakamasayang tao sa mundo. Yung sayang nabibigay niya sayo, walang bagay ang pwedeng makatumbas nun kundi siya lang. Minsan lang tamaan ng ganitong pagmamahal ang isang gagong katulad ko, pero hindi ako nagsisising hindi umilag nang tamaan niya ako.



Pero kagaya ng iba, hindi perpekto ang relasyon namin ni Jassy. Nagkakamali kami, natatakot, nangangamba, at umaabot sa punto na sumusuko na lang.


Nang malaman ko ang ginagawa ni Mom sa amin patalikod, hindi ko iyun nakayanan. Para akong bumagsak at nawalan ng pag-asa. Sobrang sakit lokohin, pero mas masakit kung sarili mo pang ina ang mismong manloloko sa inyo.



"Anong flavor ang gusto mo?" Nakangiting tanong niya sa akin. Naka-upo ako habang nakatayo naman siya at naghahalo ng harina sa cupcake na ginagawa niya.


"Kahit ano. Ikaw na ang bahala." Tamad kong sagot sa kanya. Nanatili ang mga mata ko sa baso ng tubig na nakalapag sa harapan ko.



Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Nag-squat siya para magpantay kaming dalawa. Ngumiti siya sa akin ng matamis at hinawakan ang magkabilang hita ko.


"Bad mood ka ba, babe?" Malambing niyang tanong sa akin. Naramdaman ko ang paghimas niya sa magkabilang hita ko kaya bahagya akong napa-atras.

Forever BelovedWhere stories live. Discover now