Chapter 8 Tamang hinala

2.1K 77 5
                                    

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»      


8: Tamang hinala


Tinulungan ako ni Kiel sa pinapagawang trabaho ni Sir Artur sa akin. Buong gabi akong hindi nakatulog kakaisip kung sino ang ipapalit ko bilang modelo. Natatakot rin ako na baka mawalan ako ng trabaho at si Ate Helen. Kaya humingi ako ng tulong kay Kiel na baka may kilala siyang pwede kong kuhanin bilang model, mabuti at meron siyang kilala. Buti na lang talaga nandyan siya, jusko kung wala siya baka naloka na ako.


"Hello? Papadating na ba yung sinasabi mong model?" Tanong ko habang nasa kabilang linya si Kiel. Lunch break nila ngayon kaya tinawagan ko siya samantalang magsisimula pa lang kaming magshoot ngayon.



(Oo, kanina ko pa siya tinext at pinapunta dyan.)


"Ganun ba? Sige, thank you talaga Kiel! I love you!!" Dahil sa tuwa, medyo napalakas kong nasabi ang salitang 'Iloveyou' sa kanya. Narinig ko naman ang pagtawa niya kaya agad akong nakaramdam ng hiya.



(Oh sige na, kakain muna ako. Kumain ka dyan ah. Miss na kita. I love you rin.)


Bigla akong napahawak sa aking bibig dahil baka kung ano pa ang maisigaw ko. Binaba na niya ang tawag at hindi naman mawala sa aking mga labi ang sayang nararamdaman ko.



Grabe! Linigtas ako ni Kiel. Dahil sa kanya hindi ako mawawalan ng trabaho at pati na rin si Ate Helen. Kaso hindi ko nga lang sinabi kay Kiel ang tungkol doon, na kapag wala akong nahanap na kapalit na model eh mawawalan ako ng trabaho. Hindi ko na sinabi pa yun sa kanya dahil sigurado akong mag-aalala siya at baka magalit pa siya sa boss ko.


"Ehem!" Bigla akong napalingon sa likuran ko at nagulat nang makita ko si Sir Artur na nakatayo roon habang nakatingin sa akin.



"Si...sir! Good Morning po." Bati ko sa kanya at bahagya pa akong nagbow.


"Good Afternoon na. Kung anu-ano kasi ang ginagawa." Masungit niyang sagot sa akin at linagpasan na ako ng lakad. Sinundan ko lang siya ng tingin habang nakakunot ang noo ko.



Kanina pa ba siya nandyan? Narinig niya kaya yung pagsigaw ko? Oh my G! Napahawak na lang ako sa bibig ko.


"Jassy..." Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Pete na nakatayo roon.



"Oh bakit Pete?" Tanong ko sa kanya. Mukhang may hinahanap kasi siya.


"Nakita mo ba si Cary?" Tanong niya sa akin at bigla akong napangisi. Kumunot naman ang noo ni Pete dahil sa pagngisi ko.



"Hindi siya pumasok. Linalagnat raw siya." Sagot ko habang nakangisi pa rin. Tumango naman si Pete sa akin habang nagtataka pa rin kung bakit ako nakangisi sa kanya.

Forever BelovedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ