Chapter 13 Proposal

1.3K 46 11
                                    

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»     


13: Proposal


"Talaga? Birthday ni Sir Artur kahapon? Tapos ampon lang pala siya...." Hindi na natuloy ni Pete ang sasabihin niya dahil agad siyang sinenyasan ni Cary.


"Shut your pink mouth, Eziah Peterson!" Suway ni Cary sabay irap kay Pete. Napanguso naman si Pete.



"Anong pink sa mouth?" Wala sa sariling tanong ni Pete. Napapa-iling na lang ako tuwing nagbabangayan silang dalawa.


"Pero buti nakita mo si Sir Artur kagabi. Kung hindi, baka saan na yun nakarating." Sambit ni Cary. Tumango naman ako at sumang-ayon sa sinabi niya.



"What if i-surprise natin si Sir. Diba birthday niya kahapon? Oh, pwede pang i-celebrate yun ngayon." Suhestiyon ni Pete. Napatingin naman kami sa kanya.


"Birthday surprise? Pwede. Kahit simpleng cake lang at iilang handa, pwede na!" Sang-ayon naman ni Cary. Napatingin silang dalawa sa akin.



"Good Morning, Sir Artur!" Biglang tumayo ng tuwid si Pete at umayos naman sa pagkaka-upo si Cary.


Dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko. Nakita ko si Sir Artur na nakatingin sa akin. Bagong gupit si Sir Artur. Hindi na siya mukhang lasinggero tulad kahapon. Mukha na siyang fresh fruit na kakapitas lang.



"Good Morning, Ms. Castillo." Bati ni Sir Artur sa akin. Para namang umatras ang dila ko.


"Uhm...uhm...Good Morning po Sir Artur." Bati ko. Agad akong tumayo mula sa upuan ko ngunit nagtama lang kami ni Sir. Mabilis niyang hinawakan ang magkabilang braso ko para hindi ako tuluyang matumba.



"Uhm....Sir kanina pa po nandyan yung bagong brand company na gustong magpa-endorse sa atin." Narinig namin ang boses ni Melisa. Mabilis akong umatras. Tumalikod naman si Sir Artur para maharap niya si Melisa.


Hinigit naman ako ni Cary habang nag-uusap sina Sir Artur at Melisa. Tumango si Sir Artur bago bumaling sa amin.



"Sige, pupunta na ako." Sambit ni Sir. Tumango at ngumiti siya sa akin bago naglakad papuntang opisina niya. Agad naman akong hinarap ni Cary.


"Seryoso ba yun?" Tanong ni Cary sa akin.



"Ngumiti si Sir Artur?" Dugtong pa niya. Nagkibit balikat lang ako.


"At sayo ngumiti, Jassy! Sayo!" Napalakas ang boses ni Pete kaya agad ko siyang sinuway. Naalala ko, nasa likuran pala namin si Melisa.


Forever BelovedWhere stories live. Discover now