Chapter 35 Necklace

433 13 2
                                    

35: Necklace

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»

Maaga kaming gumising ni Kiel para maaga din kaming makapaggala. Medyo masakit pa ang katawan ko dahil sa nangyari kagabi pero worth it naman ang ganda ng La Union kaya mag-eenjoy ang sinumang pupunta dito.

Nag breakfast lang kami saglit at nag ayos bago kami sumakay sa sasakyan na magdadala sa amin sa pupuntahan namin. Habang nasa biyahe, umidlip muna ako. Pinasandal ako ni Kiel sa balikat niya at yinakap niya para hindi ako masubsob kung sakaling mag preno ang bus na sinasakyan namin.



It feels so nice sleeping next to the person you truly love the most. I always feel safe whenever Kiel is beside me.

"Baby..." Rinig kong tawag ni Kiel sa akin. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko.



"We're here." Sambit niya habang inaayos ang buhok ko. Tumango ako at tumayo na.

Bumama na kami sa bus. Napapikit ako habang sinasalubong ko ang malakas at sariwang hangin. Naramdaman ko ang pagtabi ni Kiel sa akin kaya hinawakan ko ang kamay niya. Naglakad na kaming dalawa at nagsimulang maggala.



Kumuha kami ng mga litrato at bumili ng mga pasalubong.

"Are hungry, baby?" Tanong ni Kiel habang naka-upo kami sa isang maliit na bench.



"Kinda." Sagot ko sa kanya. Inakbayan niya ako.

"Let's eat lunch now, para maaga din tayong makapunta sa falls." Sambit niya, agad na nanlaki ang mga mata ko.



"What? Tama ba yung narinig ko? Pupunta tayong falls?" Di makapaniwalang tanong ko sa kanya. Natawa naman ang asawa ko.

"Yes, misis ko. Pupunta tayo ng falls. Maliligo tayo dun." Sagot niya sa tanong ko na labis na nagpasaya sakin.



Sa sobrang saya ko agad ko siyang yinakap ng sobrang higpit. Natawa naman si Kiel at yinakap ako pabalik.

I haven't been in a falls. Kaya sobrang saya ko nung nalaman ko kay Kiel na pupunta kami sa isang falls. Mabuti at pinagdala niya ako ng panligo.



Kumain muna kami ni Kiel ng tanghalian sa isang malapit na restaurant. Natatawa si Kiel habang pinapanood akong kumain. Tinaas ko ang ulo ko para tingnan siya.

"Slow down, baby. Hindi tatakbo yung falls." Natatawnag kantyaw niya sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin.



"Masama bang ma-excite? Hindi pa ako nakakaligo sa falls, dati kasi gusto lang ni Mama mag picture kami tapos alis na agad. I never got a chance to swim in a falls. Kaya excited ako ngayon." Nakangiting sambit ko kay Kiel.

Matamis niya akong nginitian bago inabot ang pisngi ko at hinimas 'to.



"I'm so happy seeing you happy. I love you, baby." Malambing na sambit ni Kiel. Ngumiti ako at dinama ang kamay niyang na nasa pisngi ko.

"I love you too." Sagot ko sa kanya at nagpatuloy ako sa pagkain.



Nang matapos kaming kumain, sumakay ulit kami sa bus papunta sa falls na sinasabi ni Kiel. Ilang minuto lang ang linakbay namin bago kami nakapunta sa falls na sa malayo palang ay kita mo na ang ganda.

Naramdaman ko ang paghawak ni Kiel sa kamay ko.



"Let's go." Sambit niya at nagsimula na kaming maglakad paakyat.

Forever BelovedWhere stories live. Discover now