Chapter 7 Maghihintay ako

2.3K 77 17
                                    

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»      

7: Maghihintay ako

Nabalitaan kong totoo nga ang balitang sinabi ni Kuya Joshua sa amin kagabi. Engaged na nga talaga sina Andrew at Ingrid. Nagpropose si Andrew kahapon ng gabi at nagpatulong siya kay Kuya Joshua kaya nalaman ni Kuya na malapit na silang magpakasal.

Masaya ako para sa kanilang dalawa. Hindi ko nga lang sila mapuntahan para i-congratulate dahil busy kami ngayong araw. May isho-shoot kasi kaming bagong advertisement ngayon kaya busy ang lahat.



Nasa loob naman ako ng Opisina ni Sir Artu dahil mayroon siyang pinapa-rewrite sa akin. Kaya nasa maliit akong lamesa habang nagsusulat. Hindi ko alam kung ano at para saan ito, dahil hindi ko naman pwedeng tanungin si Sir. Susungitan niya lang ako.

Maya-maya may narinig kaming kumatok kaya napatingin ako sa pintuan.



"Come in," Pormal na sabi ni Sir. Bumukas ang pinto at nakita ko ang lalaking organizer.

"Five minutes na lang po, magsisimula na." Sambit niya sa amin. Tumango si Sir at tumayo na. Naglakad siya papuntang pintuan ngunit napatigil at napalingon sa akin.



"What are you doing, Ms. Castillo?" Nakataas kilay niyang tanong sa akin.

"Po? Uhm, ginagawa po yung pinapagawa niyo." Sagot ko kay Sir Artur. Napa-iling na lang siya tsaka linagay ang kamay sa kanyang magkabilang bulsa.



"You are my secretary, so you need to follow me everywhere I go." Masungit niyang sambit sa akin habang nakatalikod siya. Ilang sandali pa akong natulala bago mabilis na tumayo at sumunod sa kanya.

Ano kaya nakain neto at sobrang sungit sa akin. Hindi ko naman siya ina-away.



Pumunta na kami sa set kung saan may parang mountain na aakyatin ng mga model. Traveling bag ata ang isho-shoot nila ngayong product. Kaya may dalawang lalaki at babae ang nakapang hiking na damit. Pareho silang amerikano at hindi nakaka-intindi ng tagalog.

"Are you ready?" Tanong nung babae sa dalawang model. Tumango sila at ngumiti. Sobrang puti nila kaya parehong blonde ang buhok nila. Nakita ko namang umupo si Sir Artur sa tabi nung lalaking director.

"Okay we will shoot in three, two, one...Action!" Sigaw nung director at nagsimula ng umakyat yung dalawang kano doon sa parang bundok na ginawa nila. May pa-hangin effect pa sila kaya kunwari lumilipad ang mga buhok nila.



Naka-ilang take sila bago nakuhanan ang perpektong anggulo ng dalawang modelo. Nag fifteen minutes break muna yung modelong babae at yung modelong lalaki muna ang kinuhanan. Habang kinukuhanan siya at nasa tuktok, biglang may batang lalaki na nasa edad dalawang taon ang tumakbo. Tinawag siya ng Mommy niya ngunit hindi siya pinansin ng anak niya.

Bigla naman akong nabunggo nung batang lalaki at dahil malakas ang impact ng pagbunggo niya sa akin, natumba ako at sa hindi sinasadya, nabunggo ko naman yung lalaking may hawak ng tali na sumusuporta naman doon sa lalaking modelo. Nabitawan ni Kuya ang hawak niyang tali at dahil sa gulat lahat ng tao ay napasigaw sa pagkalaglag nung lalaking modelo.



Nasa mataas siyang bahagi kaya malakas ang pagkakabagsak niya. Bigla siyang napasigaw at ininda ang kanyang balakang. Hindi naman ako makatayo dahil gulat na gulat pa rin ako.

"Jassy!" Rinig kong may tumawag sa akin at tinayo niya ako. Nakita ko si Cary sa tabi ko. Napalingon naman ako kay Kuya na nakabitaw sa taling hawak niya dahil nabunggo ko siya. Tinatayo siya ni Pete at bakas din sa mukha niya ang pagkagulat.



Forever BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon