Chapter 31 Chances

430 19 1
                                    

31: Chances

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»

Lumabas ako ng hotel para magpahingin. Hindi ko kinaya ang nangyari kanina. Maaaring may nararamdaman si Sir Artur sa akin pero hindi tamang hayaan ko lang siyang halikan ako. Ayokong saktan si Kiel, kahit na cool off kaming dalawa hindi iyun sapat na dahilan para gumawa ako ng bagay na alam kong mali at masasaktan siya.

Nagulat ako sa nakita ko paglabas ng hotel. Hawak-hawak ng mga guard si Kiel na nagpupumiglas. Magulo ang buhok at damit niya.



"Papasukin niyo ko! Nandyan yung asawa ko! Kailangan ko siyang makausap!" Sigaw niya habang nagpupumiglas.

"Sir hindi po pwede. Wala kayong invitation."Paliwanag nung lalaking organizer ng event na 'to.



"Wala akong paki! Gusto kong makita ang asawa ko! Papasukin niyo ko!" Sigaw niya. Napapikit naman ako dahil sa lakas ng sigaw niya.

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at nakatingin lang ako kay Kiel. Bigla namang nag-angat ng tingin si Kiel kaya namatahan niya ako. Mabilis na nagtama ang mga mata naming dalawa. Parang gusto kong umiyak nang makita ko ang itsura ng asawa ko.



"Kiel!" Sigaw ko at tatakbo na sana papunta sa kanya nang biglang may pumigil sa akin.

Nakita ko si Sir Artur na nakahawak sa palapulsuhan ko. Tiningnan ko siya at kumunot ang noo ko.



"He's drunk, Jassy. Lumayo ka muna sa kanya." Sambit ni Sir Artur sa akin. Hindi ako nakasagot sa kanya.

Lumingon ako sa likuran ko at tumingin sa asawa ko. Naramdaman ko ang paghila niya sa akin papasok sa loob.



"Jassy! Kausapin mo naman ako, baby! Miss na miss na kita." Sigaw ni Kiel habang may luhang nalaglag sa gilid ng mata niya.

"Tumahimik ka na nga!" Sigaw ng isang lalaki na pumipigil kay Kiel. Napasigaw ako nang bigla niyang suntukin sa tiyan si Kiel. Hindi naman lumaban ang asawa ko.



"Jassy, let's go." Aya ni Sir Artur sa akin. Umiling ako sa kanya at inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin.

Mabilis akong tumakbo papunta sa asawa ko. Tinulak ko ang mga lalaking pumipigil sa asawa ko. Napa-upo si Kiel kaya mabilis ko siyang dinaluhan. Hinawakan ko ang pisngi niya. Hindi ko alam pero hindi ko na napigilang maiyak habang pinagmamasdan ang kalagayan ng asawa ko.



"Jassy, sakay na kayo." Narinig ko ang boses ni Cary. Nakita kong nakasakay sila ni Pete sa Van na inarkila namin.

Bumaba si Pete at tinulungan akong maisakay si Kiel. Mabilis akong umupo sa tabi ni Kiel at sinara ang pintuan. Nagsimula nang umandar ang Van.



Tahimik lang kaming lahat habang nakasakay sa Van. Walang may gustong magsalita sa aming apat at tanging radio lang ang nagbibigay ingay sa loob ng sinasakyan namin.

"You can file a case to that man. Violence yung ginawa niya kay Kiel." Pagbasag ni Cary sa katahimikang bumabalot sa amin.



"Oo nga, Jassy. Pwede kayo magsampa ng kaso." Pagsang-ayon ni Pete sa suhestiyon ni Cary.

"We don't know yet, Cary and Pete. Masyado pang magulo ang sitwasyon." Sagot ko sa kanila. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Cary sa likuran ko.



"That's okay, Jassy. Don't pressure yourself. Baka mapano ka niyan kapag masyado mong inisip ang mga nangyari." Bilin ni Cary sa akin. Tumango ako sa kanya at ngumiti ng tipid.

Forever BelovedWhere stories live. Discover now