Chapter 33 Efforts

406 17 3
                                    

33: Efforts

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»

Umuwi kami ni Ate Dianna at pinagmaneho ko sila ng mga pamangkin ko. Dumaan din kami sa mall para magmeryenda. Nasa likuran sina Damien at Dinah habang hawak-hawak ang mga bago nilang laruan. Itinigil ko sa tapat ng bahay ang sasakyan at tumingin sa rear mirror ng kotse.

Napangiti ako habang pinapanood ang mga pamangkin ko na masaya at nakangiti habang hawak-hawak ang mga bago nilang laruan. Hindi ko maiwasang maalala ang pagkabata ko. Noon, laruan lang ang iniiyakan pag bata. Ngayon, tao na ang iniiyakan pag tanda.

Natatawa ako sa nahuhugot ko. Baka gutom lang 'to kaya bumaba na ako sa sasakyan para makakain sa loob.

"Let's go, Damien and Dinah." Tawag ni Ate Dianna sa dalawang anak niya.

"Jassy, nasa bahay sina Mama. Dun ka na dumiretso." Rinig kong sambit ni Ate Dianna. Tumango ako at sumunod sa kanila.

Humawak sa magkabilang kamay ko sina Damien at Dinah habang papasok kami sa loob ng bahay nina Kuya Joshua. Naabutan namin sina Mama, Papa at Kuya Joshua na nanonood ng tv habang nagkwe-kwentuhan. Napalingon naman sila nang pumasok kaming apat nila Ate Dianna.

"Nandito na pala kayo." Bati ni Mama sa amin. Tumayo siya at sinalubong kami ng yakap.

"Musta, love?" Sinalubong ni Kuya Joshua ng isang mahigpit na yakap si Ate Dianna at hinalikan ito sa noo.

Mabilis namang tumakbo sina Damien at Dinah kay Papa at pinakita ang mga laruan nila.

"Kumain na ba kayo, Jassy? Dianna?" Tanong ni Papa sa amin.

"Opo, Papa. Kumain na kami." Si Ate Dianna ang sumagot sa tanong ni Papa.

"Daddy? Anong pinapanood niyo?" Tanong ni Dinah kay Kuya Joshua.

"Pwede ba yan sa mga bata?" Tanong ni Ate Dianna kay Kuya.

"Oo naman, love. Don't wory walang spg scene dyan." Sagot ni Kuya Joshua sabay kindat kay Ate Dianna.

"Magtigil ka sa kakakindat mo." Suway naman ni Ate Dianna sa asawa niya at naglakad na palapit sa mga pamangkin ko.

"Ma, war ba sina Ate Dianna at Kuya?" Bulong ko kay Mama. Ngumiti lang ng tipid si Mama.

"Ano pa ba? Matigas ang bungo ng Kuya mo kaya nagkaka-away sila ng Ate Dianna mo." Natatawang sagot ni Mama. Natawa naman ako sa sinabi niya.

Nanood lang kami at nagkwentuhan. Sinusuyo naman ni Kuya si Ate Dianna samantalang naglalaro sa kanya-kanya nilang laruan sina Damien at Dinah. Naka-upo naman ako habang nakahilig kay Mama. Sinusuklay naman ni Mama ang buhok ko kaya pakiramdam ko makakatulog ako.

"Kamusta ka na, anak?" Rinig kong tanong ni Mama. Umayos ako ng upo at humarap sa kanya.

"Okay na po siguro, Ma." Sagot ko sabay ngiti ng tipid sa kanya. Ngumiti naman sa akin si Mama.

"Plano 'to ng Diyos anak, magtiwala ka sa kanya." Bilin ni Mama sakin sabay yakap ng mahigpit. Gumaan naman ang pakiramdam ko.

"Maaga tayo bukas Mama at Papa. Pupunta tayo ng Amusement park." Sambit ni Kuya habang palabas kami ng bahay nila. Kumunot ang noo ko habang nakangisi si Kuya kina Mama at Papa.

"Para saan, Kuya?" Tanong ko sa kanya. Napalingon naman siya sakin.

"Bonding natin, masama ba?" Sagot niya. Napa-iling naman ako.

Forever BelovedWhere stories live. Discover now