Chapter 40 Wasak

314 18 10
                                    

40: Wasak

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»



Inasikaso naman ni Margaret si Elize. Tiningnan din niya 'to dahil tatlong linggo ng buntis si Elize katulad ng sabi niya sa amin. Nasa proseso naman na ang kasong pwedeng isampa ni Elize sa boyfriend niya.


Nasa bahay naman ako at nag-aayos para sa party. Katawagan ko si Kiel ngayon habang inaayos ko ang buhok ko. Hindi pa niya nakikita ang bagong gupit kong buhok at balak kong mamayang gabi ko na lang ipapakita sa kanya pagsundo niya sa akin.



Kwinento ko din kay Kiel ang nangyari kanina kay Elize. Nalulungkot din siya.


(Baby, may mga ganon talagang tao. Makasarili. Hindi man lang naisip nung gagong yun na may mga taong gustong magka-anak pero hindi nabibigyan, meron ding nawawalan tapos siya gusto na lang niya ipalaglag ang anak niya kay Elize para sa babae niya.)



Sambit ni Kiel. Napatango na lang ako kahit hindi niya nakikita ang reaksyon ko.


"Muntik ko na kayang bugbugin yung boyfriend ni Elize kaso malaking tao siya eh." Sambit ko sa kanya. Narinig kong natawa naman siya sa kabilang linya.



"Anong nakakatawa?" Tanong ko sa kanya.


(Dapat tinawag mo ako kanina, baby. Para ako yung bumugbog doon sa gago na yun.)



Natatawang kantyaw niya sa akin. Natawa naman ako sa kanya.


(Kaya ako, baby.)



Rinig kong panimula ni Kiel.


(If ever mang mangyari sakin yun, pipiliin kong kupkupin yung bata dahil responsibilidad ko yun at bilang tunay na lalaki dapat marunong akong manindigan)



Rinig kong sambit niya. Hindi ko alam pero biglang bumigat ang pakiramdam ko. Tumawa na lang ako ng tipid.


"Lakas ng tama mo, bakit may anak ka ba sa iba?" Kantyaw ko na lang sa kanya.



Tumawa ako pero hindi nakakatawa yung tanong ko dahil bumibigat lang ang pakiramdam ko.


(Hahahaha anong oras na pala, mag-iingat ka sa party ah. Hintayin mo ako mamayang 10:00 pm. Di na pwedeng mag-extend. Uuwi na tayo pagsundo ko sayo.)



"Opo, boss." Sagot ko na lang sa kanya.


Forever BelovedWhere stories live. Discover now