Chapter 60 Philippines

283 18 6
                                    

60: Philippines

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»

"Here," sambit ni Ingrid tsaka inabot sa akin ang isang lemonade.

Naka-upo ako ngayon sa isa sa mga lamesa ng cafe. Pasara na kami ngayon, nasa sofang maliit si Joaquin at natutulog na.

"Bakit kasi ngayon ka lang pumunta?" Tanong ni Ingrid sa akin.

Pagkayari ng pag-uusap namin ni Kiel ay nagtambay muna ako sa sea shore malapit sa amin. Pinili ko munang mapag-isa at mag-isip-isip. Hindi ko namalayan na ilang oras rin pala akong nasa sea shore.

Pasara na ang cafe nang pumunta ako dito. Kwinento ko kay Ingrid ang nangyari.

"Hindi ko na alam ang gagawin, Ingrid." Sambit ko sabay hawak sa noo ko.

Umupo si Ingrid sa harapan ko at humalukipkip habang nakasandal.

"Iyan naman ang gusto mo diba?" Tanong niya sa akin.

Agad akong napataas ng ulo sa kanya. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"That's your plan right, before you got here." Dugtong niya. Mabilis akong umiling.

"Hindi Ingrid!" Sagot ko sa kanya. Nangilid ang mga luha ko.

"Oh, bakit mo ginawa?" Tanong niya.

"Sinabi ko na sayo ang dahilan." Nahihirapang sagot ko sa kanya.

Sobrang kumikirot ang puso ko para kay Kiel. Sa ilang araw na nakasama namin si Kiel, hindi ko maipagkakaila na umusbong din ang pag-asa sa puso ko. Lahat ng oras na kasama namin siya ng anak ko, lahat ng oras na yun ay sobrang halaga at importante sa amin ng anak ko. Dahil kahit sa kaunting oras, naging masaya ulit ako. Naging masaya ulit ako, at si Kiel ang dahilan nun.

Umayos siya ng upo at lumapit sa akin ng bahagya.

"Jassy, madaming taon na ang lumipas. Madami na kayong napagdaanan. But look, pinagtatagpo pa rin kayo ng tadhana. Gumagawa pa rin ng paraan ang Diyos para sa inyong dalawa. And nakikita kong Kiel still finds a way para makita ka, para matagpuan ka. We both know that Kiel is an asshole, but we both saw how he's willing to die for love, for you." Dumantay siya sa lamesang nasa harapan namin.

"Wag kang magpaapekto sa mundo, Jassy. Lahat ng magagandang bagay, pilit na hahanapan ng ibang tao ng pangit na katangian. At sa oras na makinig at magpadala ka sa mundong ito, masisira talaga kayo. Hindi ba't nasira na kayo?" Tanong niya sa akin.

Yumuko ako at dahan-dahang tumango.

Nasira na kami, nasira na kami nung nakinig at nagpadala ako sa sinasabi at gusto ng mundo. Hinawakan ni Ingrid ang kamay ko.

"Jassy, this time can you listen to your heart and not listen to what others say? Hahayaan mo bang masira ulit kayo ni Kiel? Ngayong nabubuo na ang pamilya niyo? Will you give up this time?" Lumapit pa lalo si Ingrid sa akin.

"Ayos lang sumugal, kesa magsisi na hindi ka man lang lumaban."

Ilang araw ding bumagabag sa akin ang sinabi ni Ingrid. Ilang araw din kaming nagkaka-ilangan ni Kiel. Binabati naman niya ako pag hinahatid ko si Joaquin sa school pero makikita mong unti-unti na siyang dumidistansya.

Nasa sasakyan kami ngayon ni Joaquin. Ihahatid ko siya sa school.

"Mommy, kailan ulit tayo mamamasyal ni Teacher Kiel?" Tanong ni Joaquin na naka-upo sa front seat at pinaglalaruan ang laruan niya.

Forever BelovedWhere stories live. Discover now