Chapter 26 Reunite

1.9K 62 41
                                    

26: Reunite

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»



"Baby..."

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Medyo Malabo pa ang paningin ko pero malinaw sa akin na si Kiel ang tumatawag sa akin.



"Good Morning..." Bati niya sa akin. Hinalikan niya ang noo ko tsaka ngumiti sa akin.

"Good Morning din." Bati ko pabalik sa kanya. Lumingon ako at nakita kong nasa loob na kami ng kwarto namin.



"Diba sa tent tayo natulog?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti siya at linagay sa likurang tenga ko ang mga takas kong buhok.

"After we did that, nakatulog ka. Inakyat lang kita noong madaling araw dahil baka lamigin ka. I already changed your clothes, and I prepared  breakfast for us." Sagot ni Kiel sa akin. Biglang nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.



Sumilip ako sa kumot na nakabalot sa akin, may damit na nga ako. Tumayo ako at nag-ayos bago bumama. Nakita kong may pagkain na sa lamesa at naka-upo na roon ang napakagwapo kong mister.

Naka plain white shirt siya at itim na shorts. Bagong gising lang din siya, pero ang gwapo-gwapo niya.



"Why are you staring at me?" Tanong niya nang mapansin ang paninitig ko.

"Gwapo ng asawa mo nuh?" Kantyaw niya. Inismidan ko lang siya at hindi nagpahalatang kinikilig ako.



Nagsimula na kaming kumain dalawa. Nakakahiya at tinanghali ako ng gising ngayon. Si Kiel tuloy ang nagluto ng almusal naming dalawa.

"Is today your first day in work?" Tanong ni Kiel habang kumakain kami. Bigla naman akong nabilaukan. Mabilis akong inabutan ng tubig ni Kiel.



"Shet! Ngayon nga pala yung unang araw ko sa trabaho. Late na ako." Natatarantang sagot ko sa kanya. Hinawakan niya ang braso ko para mapakalma ako.

"Calm down, baby. Hindi pa masyadong late. You have plenty of time to prepare." Sambit ni Kiel sa akin. Huminga ako ng malalim tsaka umupo pabalik sa upuan ko.



"I heard sa company ka ni Jarrold nag-apply?" Tanong ni Kiel sa akin. Napalingon naman ako sa kanya.

"How did you know?" Tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat lang siya sa akin.



"Jarrold told me." Sagot niya. Napatango naman ako.

"Uhm, oo. Sa kompanya niya ako nag-apply. At first, di ko alam na sa kanya pala ang kompanyang iyun. Nagulat lang din ako nung makita ako ni Margot at pinapasok sa opisina ng Kuya niya." Sagot ko naman kay Kiel. Napatango naman siya.



"Magda-drive ka ba ngayon papunta doon?" Tanong niya sa akin. Naalala ko ang sinabi ni Sir Jarrold sa akin.

"Nope. May magsusundo daw sa akin." Sagot ko sa kanya. Kumunot ang noo niya.



"Magsusundo? Who?" Nagkibit balikat na lang ako dahil maski ako, hindi ko din alam ang sagot sa tanong niya.

Naghanda na ako para sa unang pagpasok ko sa trabaho. Curious pa rin kami ni Kiel kung sino ang magsusundo sa akin. Nasa labas ako habang nagpapaalam kay Kiel na papasok na sa trabaho niya.



"I'll see you later, baby. Take care, okay?" Bilin niya sa akin. Tumango ako tsaka yumuko para mahalikan ang labi ng asawa kong nakadungaw sa bintana ng kotse niya.

Forever BelovedUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum