Chapter 25 Under the night sky

1K 37 6
                                    

25: Under the night sky

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»


"Kiel..." Tawag ko kay Kiel habang kumakain kami ng agahan.

"Hm?" Sagot niya sa akin habang kumakain siya. Ginapangan ako ng kaba.


"Nasabi ko naman sayo na pumunta kahapon sina Cary at Pete rito diba?" Tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin.

"Yes, nakwento mo sa akin kagabi." Sagot niya sa akin sabay ngiti ng tipid.


"Mayroon kasi silang rinecommend sa aking bagong company. Hiring ngayon roon. Gusto ko sanang mag-apply, para makatulong ako sa mga gastusin dito sa bahay." Sambit ko sa kanya. Tumingin siya sa akin, hinintay ko naman ang isasagot niya.

"Saang lugar daw yan?" Tanong niya sa akin.


"Malapit lang dito sa atin, katabi ng mall na pinuntahan natin nung isang araw." Sagot ko sa kanya.

"Gusto mo bang magtrabaho?" Bigla niyang tanong sa akin. Napayuko ako.


"Kasi ayokong mapagod ka, mapuyat. Kaya ko namang bayaran ang mga gastusin natin dito sa bahay dahil mayroon naman akong ipon." Hindi ako nakasagot sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Pero kung gusto mo talaga, ayos lang sa akin. Susuportahan kita." Nakangiting sambit niya sa akin. Kusa namang napangiti ang mga labi ko.


"Talaga? Hindi ka galit?" Tanong ko sa kanya. Umiling naman siya at ngumiti.

"Why would I? If that's what my princess wants, why would I stop her?" Sagot niya sa akin. Nawala ang kabang nararamdaman ko, at napuno iyun ng saya.


"Don't forget our dinner later, okay?" Paalala ni Kiel sa akin. Tumango ako sa kanya.

"I'll go now. Ite-text na lang kita mamaya. I love you, misis ko." Paalam niya sa akin. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko ang labi niya.


"Sige, mag-iingat ka Kiel ah. Ingat sa pagmamaneho. Bye!" Paalam ko sa asawa ko. Ngumiti ako sa kanya habang hinihintay ang pag-andar ng kotse niya.

Pumasok ako sa loob at nag-ayos ng bahay. Nag-ayos rin ako para sa trabaho na pag-aapply-an ko mamaya. Tinext ko sina Cary at Pete, wala pa silang sagot. Pumasok na ako sa loob ng kotse ko at nagsimulang magmaneho papunta sa building na papasukan ko.


Pinark ko ang kotse ko sa parking lot at pumasok na sa loob. Mataas at bagong gawa ang building na 'to. Sinabi ko sa babaeng nasa counter na mag-aaply ako. Pina-akyat niya ako sa 5th floor.

Pagkarating ko roon, nagulat ako dahil sa haba ng pila. Napalingon silang lahat sa akin kaya umupo ako sa dulong upuan. Hindi ko naman in-expect na ganito kahaba ang pila rito. Para namang pilahan ito ng mga taong bibili ng bigas.


Lumipas ang ilang oras, nasa kalahati na ako. Nagugutom na ako pero ayokong umalis sa pila. Mabuti na lang at may baon akong mga biscuit. Habang kumakain ako, may isang babaeng dumaan sa harap ko. Nakalampas na siya sa akin ngunit umatras siya at tumigil sa harapan ko.

Tumingala ako habang dahan-dahan naman niyang inalis ang sunglasses niya. Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ako.


"Oh, Jassy!" Bati ni Margot sa akin. Ngumiti siya ng makita niya ako.

"Hi, Margot." Bati ko pabalik sa kanya.


"Are you in this line?" Tanong niya sabay turo sa aming mga nakapila. Tumango naman ako sa kanya.

Forever BelovedWhere stories live. Discover now