Chapter 10 Stay

2K 62 8
                                    

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»   


10: Stay


Maaga akong pumasok kagaya ng bilin ni Sir Artur sa akin. Bago pa mag alas-syete ng umaga, nagpahatid na ako kay Kuya papunta dito. Hindi ko na dinala ang kotse ko dahil sasakay naman kami sa van, at nabalitaan kong hindi lang pala ako ang isinama ni Sir, maging sina Melisa at ibang staff ay isinama rin niya. Bigla akong napangiti nang malaman ko iyun, hindi ako mag-iisa at hindi mapapanis ang laway ko.


"Opo...hihintayin kita doon." Sagot ko habang nasa kabilang linya siya.



"Sige na, maghanda ka na. Papasok ka na maya-maya." Sambit ko sa kanya. Nagpaalam na ako kay Kiel bago ko binaba ang tawag niya. Pero sadyang ayaw pa niyang ibaba ang tawag, eh ma la-late na siya.


"Sige na, Kiel. Ba-bye na. Oo, I love you rin." Sagot ko sa kanya. Ako na ang unang nagbaba habang natatawa sa kakulitan niya.



"Ms. Jassy, tara na po." Rinig kong sambit ni Melisa. Lumingon ako, nakita ko siya sa gilid ko. Tumango ako at sumunod na sa kanya.


Lumabas na kami ng Marvelous at naabutan namin ang isang puting van na nasa harap at hinihintay na kami. Nagpaalam na kami sa mga co-workers na maiiwan namin pansamantala. Ang iba sa kanila ay naiinggit sa amin dahil makakapagbakasyon raw kami kahit isang araw lang. Kung alam lang nila, kapag si Sir Artur ang kasama mo. Kahit holiday pa yan, kailangan mong magtrabaho. 



"Nasaan na si Sir?" Tanong ng isang staff habang naka beach outfit siya. Lumingon-lingon pa siya habang hawak-hawak ang napakalaking sumbrero niya sa ulo.


*Beeep



Napa-atras kaming lahat nang biglang may isang gray na sasakyan ang papunta sa amin. Huminto siya sa likuran ng puting van na nasa harapan namin. Lahat kami ay napalingon dito. Dahan-dahan bumukas ang pintuan ng kotseng iyun tsaka lumabas mula roon ang boss naming naka puting pantalon at black na longsleeve polo. Tumingin muna siya sa itaas bago tumingin sa amin.


"Nasaan si Ms. Castillo?" Tanong niya nang makalapit sila kay Sir Artur. Hindi ako lumapit at si Melisa dahil ayaw naming makigulo sa mga co-workers naming may lihim na pagtingin kay Sir.



"Ayun siya, Sir!" Sagot nung babaeng naghahanap kay Sir Artur kanina. Biglang nagtama ang mga mata namin ni Sir Artur. Ngumisi siya sa akin bago naglakad pabalik sa kotse niya. May binulong siya doon sa babaeng naghahanap sa kanya kanina.


Mabilis namang nagsampahan ang mga kasama namin sa loob ng puting van. Nagpahuli na ako at nakita ko naman na pumunta si Melisa doon sa babaeng naka beach outfit. Sasampa na sana ako sa loob nang bigla akong pigilan nung babaeng kausap ni Melisa.



"Ops! Di ka dyan sasakay, Jassy." Sambit niya. Lumingon ako sa kanya at kumunot ang noo ko.

Forever Belovedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن