Chapter 18 Clinginess

1.2K 52 10
                                    

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»

18: Clinginess

Sumunod ako sa opisina ni Sir Artur. Tumayo siya sa harap ng lamesa niya habang sinasara ko naman ang pintuan. Nakahawak siya sa batok niya habang nakatingin sa ibaba.

"Paano ko ba sisimulan?" Mahinang tanong niya sa sarili niya. Nagkunwari akong tumikhim dahilan para mapatingin siya sa akin.



"Ano pong kailangan nating pag-usapan, Sir?" Tanong ko sa kanya. Huminga siya ng malalim.

"I would like to apologize for what happened. I didn't mean everything I said. Masama lang ang timpla ko nun at sayo ko iyun naibuntong. Naniwala ako sa isang bagay na wala namang matibay na ebidensya. I'm sorry." Diretsong sambit ni Sir Artur sa akin.



"That's it, Sir. Wala nga pong matibay na ebidensya sa bagay na inaakusa sa akin pero ang dali niyong maniwala sa sinasabi nila. Akala ko, nagtitiwala kayo sa akin kagaya ng pagtitiwala ko sa inyo. Pero nagkamali pala ako. You don't trust me, Sir Artur." Matapang na sagot ko sa kanya.

Napayuko na lang si Sir Artur habang mabibigat ang hininga.



"Pero ayos lang, Sir. Naiintindihan ko. Pinsan niyo siya, sekretarya lang ako. Kaya naiintindihan ko kung mas papaniwalaan niyo siya kaysa sa akin." Dugtong ko pa. Tumingin si Sir Artur sa akin nang may kunot ang noo.

"No, it's not like that. Kagabi bago mangyari ang insidenteng iyun, umuwi ang kapatid ni Mom sa bahay. Nalaman nilang may sakit si Mom, at alam naming lahat na hindi sila pabor sa pagkupkop sa akin. Kaya hangga't maaga pa, inasikaso na ni Mom ang mga papeles ko. Pinangalan niya ang kompanya sa akin para hindi ito makuha ng iba." Panimula ni Sir Artur. Nanatili ako sa pwesto ko habang nagsasalita siya.



"Kaya halo-halo ang emosyong naramdaman ko noong gabing iyun. Hindi ko mahanap ang folder, may sakit si Mom at pilit na kinukuha ni Tita ang kompanya sa akin. Gusto kong maalagaan ang kompanya dahil ito ang pamana ni Mom sa akin. Gusto ko 'tong paunlarin para kahit papaano eh makabayad ako sa pagkupkop ni Mom sa akin nung bata pa ako." Umayos ng tayo si Sir Artur at lumapit sa akin.

"Nasaktan ako nung sinabi ni Melisa na ikaw ang kumuha ng folder. Parang gumuho ang puso ko dahil sa sinabi niya. Dahil akala ko trinaydor mo ako, kasi alam kong ikaw lang ang nakaka-intindi sa akin." Seryosong sambit niya.



Naiintindihan ko ang pinagdadaanan niya. Alam ko masakit. Pero hindi pa ata ako handang magpatawad, sobrang impact ang naranasan ko dahil sa nangyari kahapon. Pagkatao ko ang hinusgahan. Pangalan ko ang dinumihan.

"Kaya ba pinagtabuyan niyo na lang ako kahapon?" Malamig na tanong ko sa kanya.



"Kulang na lang itulak niyo ako palabas ng kompanya niyo. Sir, nagpaliwanag ako sa inyo. Sinabi kong hindi ko yun kinuha at kailan man hindi ko pag-iinteresang kuhanin. Pero anong ginawa niyong lahat? Hindi niyo ako pinaniwalaan. Tinaboy niya ako sa pag-aakalang traydor ako." Nangingilid nanaman ang mga luha ko.

"Hindi biro yung sakit, Sir. Hindi. Kaya napagdesisyunan kong mag-resign na lang sa trabaho ko." Matapang na sambit ko. Nanlaki naman ang mga mata niya.



"Resign? You don't have to. Ako ang lalayo sayo, hindi kita lalapitan. Huwag ka lang umalis..." Pagpigil ni Sir Artur sa akin. Umiling naman ako.

"No, Sir. Buo na po ang desisyon ko. Magre-resign ako sa Marvelous, hindi dahil pangit ang kompanyang ito. Kundi natatakot ako at ang pamilya kong maulit ulit itong pagbibintang na 'to. I can handle all the judgements for me, pero hindi ko kayang pati pamilya ko naaapektuhan ng bagay na 'to." Sagot ko sa kanya. Linabas ko ang papel na nasa bag ko at inabot sa kanya.



Forever BelovedWhere stories live. Discover now