Chapter 22 The Wedding

1.2K 54 16
                                    

22: The Wedding

   «Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘» 

  

Jassy's POV

Makalipas ang tatlong linggo, nangyari na ang matagal ko ng pinapangarap...


Ang humarap sa altar at maikasal sa lalaking mahal ko.

Naka-upo ako ngayon habang nasa harap ng isang salamin na may mga bumbilya sa gilid. Nakatayo naman sa harapan ko ang makeup artist na kinuha ni Kyla para sa akin. Tapos na ang eye makeup ko, lipstick na lang ang kulang. Ngumiti siya sa akin habang binubuksan ang light red lipstick na hawak niya.


"Open your mouth, ma'am." Sambit niya sa akin. Tumango ako at sinunod ang sinabi niya.

Dahan-dahan niyang linagyan ang labi ko ng lipstick at kumuha siya ng tissue para punasan ang gilid nito. Sinipat niya ang makeup ko at tumango.


"All done! Tapos na po ang makeup niyo." Sambit niya sa akin. Ngumiti ako at tiningnan ang sarili ko sa salamin.

Simple makeup lang ang ginawa niya sa akin. Light red lipstick, pink blush on and light eye makeup. Napangiti ako. Magaling siyang magmakeup.


"Thank you, you've done great." Sambit ko sa kanya habang nag-aayos siya ng mga gamit niya.

"Haha, thank you rin po." Nahihiyang sagot niya sa akin. Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto kaya napalingon ako roon.


"Anak..." Nakita ko ang pagpasok ni Mama, naka-ayos na siya at may hawak-hawak siya.

Lumapit siya sa akin habang umalis muna yung makeup artist na nag-ayos sa akin. Tiningala ko si Mama habang nakangiti siya sa akin.


"Ang ganda-ganda mo, anak." Puri ni Mama sa akin habang pinagmamasdan niya ang mukha ko. Napangiti naman ako.

"Alam ko, dadating din ang araw na 'to. Ang araw, na malalayo ka sa amin ng Papa mo dahil magkakaroon ka na ng sarili mong pamilya." Sambit ni Mama habang hinihimas ang buhok ko. Nakita kong kuminang ang mga mata ni Mama.


"Masaya ako, anak. Sobra ang saya na nararamdaman namin ng Papa mo. Alam naming aalagaan ka ni Kiel, dahil nagtitiwala kami sa kanya. Kaya handa na kaming pakawalan ka at ipagkatiwala sa lalaking pinakamamahal mo." Dugtong ni Mama. Nakita kong may lumandas ng luha sa kanyang pisngi kaya napatayo na ako para yakapin siya.

"Mahal na mahal kita, Mama. Salamat. Salamat po sa lahat." Bulong ko habang nakayapos ako kay Mama. Hinimas niya ang likuran ko at yinakap ako pabalik.


"Mahal din kita, Jassy anak ko." Sagot sa akin ni Mama. Tumawa siya tsaka ako hinarap. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko.

"Sayang ang makeup, anak. Mahal mag-arkila ng makeup artist. Tigil na natin 'tong drama natin." Natatawang sambit sa akin ni Mama habang pinupunasan niya ang gilid ng mga mata niya.


Natawa naman ako at pinunasan din ang gilid ng mga mata ko. Muntik na rin humulas ang makeup ko.

Tinulungan ako nina Mama at Ate Dianna na isuot ang gown ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa parihabang salamin na nasa harapan ko.


Napangiti ko.

"Congrats, Jassy. I know what you feel. Nakakakaba na nakaka-excite, hindi ba?" Tanong ni Ate Dianna sa akin habang inaayos niya ang laylayan ng gown ko. Napangiti ako sa tanong ni Ate.


Forever BelovedWhere stories live. Discover now