Chapter 15 Cold

1.1K 43 8
                                    

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘» 

15: Cold

"Uminom ka muna, Jassy. Kanina ka pa umiiyak." Sambit ni Sir Artur sa akin sabay abot ng bottled water. Kinuha ko iyun at binasa lang ang labi ko. Umupo siya sa tabi ko.

"Gusto mo bang ipahanap ko ang nagsend ng picture na yun kay Kiel?" Tanong sa akin ni Sir Artur. Nandito kami sa labas ng mall at naka-upo sa maliit na bench.



"Wag na po, Sir. Baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya. Hindi ko alam ang dahilan niya at ginawa niya yun sa amin." Sagot ko kay Sir habang nakatingin sa highway kung saan madaming sasakyan ang dumadaan.

"Sigurado ka ba? Pwede natin idemanda kung sino ang gumawa nun." Pagpupumilit ni Sir. Umiling na lang ako at bumuntong hininga.



"Sigurado po ako. Hayaan na lang natin siya. Ayoko pong gumanti. At tsaka wala naman ng magagawa ang paghahanap sa taong kumuha ng litratong yun. Dahil.....postpone naman na ang kasal namin." Sagot ko sabay hawak ng mahigpit sa bote ng tubig na nasa kamay ko.

Ang sakit pa din sa puso kapag naiisip ko na mapo-postpone ang kasal naming dalawa. Sobra-sobra na ang sayang nararamdaman ko dahil ikakasal na ako sa lalaking pinakamamahal ko. Tapos bigla 'tong mangyayari sa amin? Anong ginawa ko para mangyari 'to sa aming dalawa? Halo-halo na ang emosyong nararamdaman ko, sa sobrang dami naiiyak na lang ako.



"Tahan na..." Pagpapatahan ni Sir Artur sa akin.

"Postpone lang naman diba? Hindi naman siya nag back-out." Dugtong ni Sir Artur. Hindi ko alam pero bigla akong napaluha nang matindi sa sinabi niya.



Paano kung mag back-out si Kiel? Paano kung hindi niya ituloy ang kasal namin? Paano na ako? Hindi ko ata makakayanan yun. Pakiramdam ko sasabog ako sa sobrang sakit.

"Sir, hindi ko kaya. Mahal na mahal ko si Kiel." Sagot ko habang nakayuko ako at humihikbi. Mahigpit ang hawak ko sa bote ng tubig na nasa kamay ko.



"Yeah, I can see it." Mahinang sambit ni Sir Artur. "Nakikita ko kung gaano mo siya kamahal." Napa-angat ako ng tingin at napalingon sa kanya.

"Siguro sobrang lalim ng pinagdaanan ng relasyon niyong dalawa. Kaya naging sobrang tatag ng pagmamahalan niyo sa isa't-isa. Kaya hindi na ako magtataka kung sa simbahan na ang inyong punta." Tumawa ng peke si Sir at napa-iling.



"Pero nagtaka pa din ako eh. Hinayaan ko ang sarili kong umasa at makipagkompetensya sa kanya. Kahit na alam kong una pa lang, ako naman na ang talunan." Napayuko si Sir Artur. Napatigil naman ako sa paghikbi.

"Sir..." huminga ako ng malalim. "Gusto niyo po ba ako?"



Dahan-dahang inangat ni Sir Artur ang ulo niya at diretsong tumingin sa akin. Agad naman akong nakaramdam ng ilang.

"What if I like you? What if I do?" Biglang linapit ni Sir Artur ang mukha niya sa akin. Natigilan naman ako.



Mas lalo pang linapit ni Sir Artur ang mukha niya sa akin. Nakapikit na si Sir Artur habang linalapit ang mukha niya sa akin. Agad naman akong naalarma.

"Sir....." Tawag ko kay Sir Artur sabay layo ko sa mukha ko sa kanya.



Agad namang dumilat si Sir Artur at nanlaki ang mga mata niya nang matauhan siya sa nagawa niya kanina. Mabilis siyang lumayo sa akin at umiwas ng tingin. Umayos naman ako ng upo.

Forever BelovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon