Chapter 56 Ulan

244 13 1
                                    

56: Ulan

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»

Hindi ko alam kung ano ang ibig iparating ni Kiel sa huli niyang sinabi sa akin. Hindi ko na naitanong yun sa kanya dahil nagising na sina Drake at Joaquin. Pinagluto ko sila at inasikaso ko naman si Joaquin. Naunang umalis si Drake, hinatid ko siya sa labas ng apartment.

"Ingat ka, Drake." Bilin ko sabay kaway sa kanya. Lumingon siya sa akin at ngumiti.

"Ingat ka din...sa kanya." Nakangisi at tumatawang sambit niya. Kumunot naman ang noo ko tsaka umiling nang maintinidihan ko ang ibig niyang sabihin.

Tumango na ako tsaka siya bumeso sa pisngi ko. Ngumiti ako at kumaway sa kanya. Pumasok na ako sa loob, nakita ko si Kiel na nakasandal sa bintana at naka-straight face. Kumunot naman ang noo ko sa kanya. Lumapit na ako kay Joaquin at tinulungan siyang isuot ang uniporme niya.

"Kailangan ba yun?" Rinig kong tanong niya. Nakatalikod ako sa kanya kaya hindi ko nakikita ang mukha niya dahil tinatali ko ang sapatos ni Joaquin.

"Anong kailangan?" Tanong ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Wala, nevermind." Sagot niya tsaka naglakad palayo. Sinundan ko siya nang tingin. Kita mo sa likuran niya ang pagdadabog niya.

Problema nun?

"We'll leave in 5 minutes, okay? Magbibihis lang si Mommy." Sambit ko tsaka inayos ang buhok ng anak ko. Tumango siya at ngumiti.

Naglakad ako papuntang kwarto, napalingon ako kay Kiel na naka-upo sa sofa at nakatitig sa sahig. Kumunot ang noo ko sa kanya tsaka pumasok na sa kwarto. Nagpalit na ako sa usual kong damit pamasok sa café. Block heels na kulay itim, maong pants, and black spaghetti strap sleevless top. Wala na akong oras para mag-ayos ng buhok kaya kumuha na lang ako ng pantali.

Pagkalabas ko ng kwarto ay natigilan ako. Napatingin si Kiel sa akin at bahagyang nalaglag ang panga niya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Nakaramdam naman ako ng ilang kaya naglakad na ako palapit kay Joaquin.

"Let's go, Joaquin." Aya ko sa anak ko. Tumango siya at tumayo na.

"Let's go?" Aya ko kay Kiel na tulala pa din.

"Hatid ko na kayo." Sambit niya nang makabalik sa wisyo. Umuwi kasi siya kanina para magpalit ng damit kaya dala na niya ang sasakyan niya ngayon.

Tumango ako. Nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin. Naglakad kami ni Joaquin papunta sa back seat. Binuksan ko iyun at pumasok kami ni Joaquin.

"Hatid muna natin si Joaquin, tsaka kita ihahatid." Sambit niya nang makasakay siya sa driver's seat. Agad naman akong napalingon sa sinabi niya.

"Huh? Eh may klase ka pa ah?" Tanong ko sa kanya. Tiningnan lang niya ako sa rear mirror ng kotse niya.

"Mamayang 9:00 am pa." Sagot niya tsaka nagsimulang magmaneho.

Hinatid muna namin si Joaquin tsaka ako hinatid. Humalik at nagpaalam na ako sa anak ko bago umalis. Hindi naman siya naghabol kaya hindi ako nahirapang umalis. Madalas kasi ay umiiyak si Joaquin kapag hinahatid ko. Buti na lang at nasasanay na siya ngayon.

"Bonjour, Monsieur Kiel." Bati nang mga co-teachers niya roon. Ngumiti si Kiel tsaka binati sila.

"You're early today. Would you like to have some coffee?" Tanong ng isang babaeng katamtaman ang tangkad, kulot ang buhok at petite ang katawan. Nakangiti siya habang nakatingin kay Kiel.

Forever BelovedWhere stories live. Discover now