Chapter 46 Shooting Stars

273 13 3
                                    

46: Shooting Stars

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»



Hindi ko maipaliwanag kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko habang nakatulala sa hawak ko.

"Anong resulta, Jassy?" Tanong ni Pete sa akin. Nasa harap ko sila ngayon, sina Pete, Cary, Sir Artur at Margaret.



Tiningnan ko lang sila bago ko ibinalik ang mga mata ko sa kulay puting hawak-hawak ko.

"Whoo..." Huminga ako ng malalim at pumikit bago ko dahan-dahang binuksan ang palad ko.



Nalaglag ang mga butil ng pawis ko at lumandas sa pisngi ko ang isang patak ng luha. Agad naman akong yinakap ni Cary ng mahigpit. Halo-halong emosyon ang naramdama ko.

"Congrats, Jassy!!" Sigaw ni Pete habang pumapalakpak.



Napangiti naman ako habang umiiyak.

"Totoo ba 'to?" Tanong ko sa kanila. Ngumiti sila sa akin at tumango.



"Totoo, Jassy." Sagot ni Cary sa akin.

"Margaret is your OB, siguradong totoo ang result ng test." Sambit naman ni Sir Artur. Napatingin naman ako kay Margaret at ngumitis siya sa akin at tumango.



Mas lalo naman akong napahagulgol ng iyak tsaka napahawak sa tiyan ko.

"I'm pregnant! I'm one month pregnant, thank you Lord!" Naiiyak sa tuwang sigaw ko habang hawak-hawak ko ang tiyan ko. Mabilis naman akong dinaluhan nina Cary at yinakap ako sa tuwa.



"We have an appointment on Sunday, be sure to attend that." Sambit ni Margaret sa akin habang hinatid ko siya palabas ng kompanya.

Tumango ako at ngumiti. Hinawakan naman niya ang braso ko.



"Congrats, Jassy! I'm so happy for you." Nakangiti niyang sambit sa akin. Mas lalo akong napangiti at napayakap na lang sa kanya sa tuwa.

"Thank you, Margaret." Sagot ko sa kanya habang nakayakap.



Tinanaw ko lang ang taxi-ng sinakyan ni Margaret bago ako naglakad pabalik sa loob ng kompanya. Nakasalubong ko si Sir Artur sa paglalakad ko.

"There you are, kanina pa kita hinihintay." Sambit ni Sir Artur. Tinaasan ko naman siya ng kilay.



"Bakit po, Sir?" Tanong ko sa kanya.

"You can go home now." Nakangiting sambit niya na labis kong ikinagulat.



"Po? Ngayon na po?" Tanong ko sa kanya tsaka siya tumango.

"Yes, take some rest first. Enjoy the good news." Sagot niya sa tanong ko tsaka kinuha ang cellphone niyang tumutunog.



"Excuse me, I'll just answer this." Sambit ni Sir Artur. Tumango naman ako sa kanya.

"Sige po, Sir. Thank you po." Sambit ko kay Sir Artur bago siya naglakad palayo sa akin.



Napangiti naman ako habang iniisip ang good news na nalaman ko. Napahawak ulit ako sa tiyan ko bago naglakad papunta sa opisina namin.

"Mauna na ako sa inyo, dadaan pa ako ng Mall eh." Paalam ko kina Cary at Pete na naiinggit dahil maaga akong uuwi.



"Sige, mag-iingat ka dun ah." Paalala ni Cary sa akin. Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Text mo ako kung kailangan mo ng tulong, Jassy." Sambit ni Pete na ikinangiti ko.



Forever BelovedWhere stories live. Discover now