Chapter 52 Little girl's dream

270 17 15
                                    

52: Little girl's dream

«Sorry for all the misspelled words and wrong grammars you may encounter. I'm not a professional writer. I make mistakes. 😉 Thanks 😘»

"Jassy, nawawala si Megan. Nawawala ang anak ko!" Umiiyak na sigaw ni Maurleen.

Hindi ko naman alam ang una kong gagawin kaya pinapasok ko muna siya at pina-upo.

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya. Umiiyak pa din siya.

"Susunduin ko sana siya sa school niya pero sabi ng teacher niya ay maaga raw umalis si Megan." Sagot niya sa tanong ko.

Napalingon siya sa akin. Nakita ko ang mga mata niyang walang humpay sa pag-iyak.

"Jassy! Hindi ko alam kung anong nangyari sa anak ko! Baka napano na yun!" Sambit niya at patuloy pa ring lumuluha.

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko.

"Tulungan mo, Jassy. Help me find my daughter." Paki-usap niya sa akin.

Nagulat ako nang hawakan niya ang braso ko. Para akong nanginig sa gulat. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kung dapat ko ba siyang pagtabuyan at paalisin sa bahay namin, dahil sa maraming dahilan. Pero habang nakikita kong lumuluha at umiiyak si Maurleen sa harapan ko.

Parang dinudurog din ang puso ko. Bilang ina, nalulungkot ako. I experienced losing a child that's why I understand why she's crying so much. How I wish I had a chance to save my angel. Kung nagkataong meron akong pagkakataong maisalba ang anak ko, gagawin ko ang lahat maisalba ko lang siya. Pero sadly, I hadn't had a chance.

Hinawakan ko ang kamay niyang nasa braso ko. I looked at her eyes.

"Yes, I will. I'll help you." Sagot ko sa kanya.

Parang nabunutan ng tinik si Maurleen, at bahagya siyang tumigil sa pag-iyak. Nginitian niya ako.

"Thank you, Jassy." Sambit niya. Binigyan ko lang siya ng tipid na ngiti.

Pinasakay ko na siya sa sasakyan ko. Mabilis akong nagmaneho. Kumabog ang dibdib ko nang maalala ko ang lakad namin ni Kiel. 6:30 pm na nang tumingin ako sa relo ko. Kabado ako habang iniisip kung paano ako makakapunta ngayong nasa ganito akong sitwasyon.

Hindi ko na lang muna inisip yun at hinayaan ko muna ang sarili kong tulungan si Maurleen. Hindi ko muna inalala kung anuman man ang nangyari sa aming hidwaan, ang importante ngayon ay ang mahanap namin si Megan.

"Alam mo ba kung saan siya maaaring pumunta?" Tanong ko sa kanya.

Nakatingin lang siya sa daanan. Siguro ay mababaliw na siya sa pag-aalala kung nasaan ang anak niya. Maski rin naman ako ay parang masisiraan ng bait kapag may nawawalang anak.

Umiling siya sa tanong ko. "Wala akong ideya." Sagot niya.

Tinigil ko ang sasakyan sa isang park. 7:15 pm na kaya madilim na ang paligid. May mga kakaunting taong namamasyal. Pinatay ko ang makina ang ng sasakyan.

"Tingnan natin dito, mag baka sakali tayo." Sambit ko sa kanya. Tumango siya samantalang bumaba na ako ng sasakyan.

Naghiwalay kami ng direksyon habang hinahanap si Megan. Pumunta ako sa playground. Naisip ko na kung nasa edad ako ni Megan. Maaaring dito ako pumunta para mag-isip-isip. Dahil sa lugar na ito, normal lang manatili ang isang bata. May iilang mga batang naglalaro.

Naglakad ako palapit sa slide, umakyat ako at nag baka sakali. Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko ang isang babaeng naka-upo sa itaas ng slide. Wala siyang balak mag-slide pababa at para bang gusto lang niyang umupo roon.



Forever BelovedWhere stories live. Discover now