Chptr 01: First Encounter

426 15 0
                                    

Blake's Pov

Isa ako sa Zodiac, ang totoo kong pangalan ay Scorpio. At nandito ako sa lupa, para sunduin ang mga member Zodiac. Pero saan namang parte ng mundo ko hahanapin ang bawat member ng Zodiac? Wala akong kaaydi-idea kung nasaan sila dahil si Ether lang ang nagkalat sa mga 'yon.

Si Ether, o kilala bilang Ethereal, napakaperpekto pero sa hindi malaman na dahilan, matagal na siyang nabubuhay bilang isang kaluluwa. At siya ang pinuno na nag-utos sa'kin na pumunta dito sa mundo ng mga mortal para hanapin ang mga Zodiac.

Kahit hindi bukal sa kalooban ko, anong ginagawa ko dito? -_-

Nandito ako ngayon sa harap ng isang Academy. To be frankly, nag-aaral ba ang Zodiac? ●_●

"Marami akong nararamdaman na Light Aura sa lugar na 'to. And that time, magkakasama ang Light Aura na nararamdaman namin. Kami na ang bahala sa pagma-manipulate sa mga teacher, but the rest ikaw na ang bahala"  ang sabi ng napakabait na si Aries bago ako umalis ng Astral o ang mundo kung saan nabubuhay ang mga Constellation. Ako, si Cancer, Aquarius, at si Aries ang tanging mga Zodiac na naninirahan sa Astral simula pagkabata. At hindi namin alam kung ano ang dahilan kung bakit nasa mundo ng mga Mortal ang iba pang mga Zodiac, pwera nalang sa madalas sabihin sa'min ni Ether na para sa kapayapaan.

"Kailangan kami dito para protektahan ang Astral, h'wag kang mag-alala .. ako sa'yo" dugtong pa ni Aquarius bago nila ako tuluyang paalisin.

Hays, mapapabuntong hininga ka nalang talaga. Pero kung hindi ko 'to magagawa, mapapahamak ang buong mundo, at walang matitira sa pananakop na 'yun. Pero magagawa ko nga ba 'yon dito sa mundo ng mga mortal?

Nawala ako sa malalim kong pag-iisip ng may tumama sa batok ko.

"Sorry nakaharang ka kasi sa daan. Subukan mo kayang tumabi?" Ang sabi ng isang guy na tingin ko ay ka-age ko lang? (May question mark kasi di ako sure XD)

"S-sorry" okay, kailangan mong kumalma. Isa 'yan sa buhay na gusto mong mailigtas. Take it easy dude.

Magsasalita na sana siya ng napansin naming nagtatakbuhan ang mga estudyante pakumpol sa isang lugar. And no doubt, dahil may away na nagaganap.

"Anong nangyayari?" Tanong ko kahit ang mga mata ko nakatingin sa kumpulan na estudyante pero ang totoo, ang kausap ko ay ang lalaki sa tabi ko. "H'wag ako ang tanungin mo. Parehas tayong nandito, sa palagay mo malalaman ko?" At nagsimula na siyang maglakad.

"H-hahayaan niyo nalang ba sila?"

Nilingon niya ako "H'wag kang mag-alala. Hindi rin magtatagal ang gulong 'yan"

At nilingon ko ulit ang kumpulan. May isang babae ang lumapit sa kanila at talaga namang nag-give way sila para sa kanya. Mahaba ang buhok niya at may ribbon 'to na tugmang tugma sa kanya. Sa kilos niya, masasabi mo talagang kagalang galang siya "Itigil niyo na ang gulong 'to. Magsibalik na kayong lahat sa mga Room niyo. Maliban sa inyong dalawa na sasama sa'kin sa guidance" kalmado ang mga boses niya pero mistulang ginagalang siya dito dahil talaga nga namang nahinto ang gulo at nawala  ang kumpulan ng mga tao.

"See? Sabi ko naman sa'yo hindi magtatagal ang gulong 'yan hanggat nandiyan ang Disciplinary Committee" sabi ng guy na 'I just met'

"S-sino siya?" Sinundan ko ng tingin 'yung babae kasama ang dalawang guy na puro pasa at sugat na sa katawan.

"Siya ang President ng Disciplinary Committee, si Everette Alvarez. Kung marami ka pang tanong, mas mabuti pang sa Office ka na dumiretso, transferee" at iniwan niya na ako.

Office? Saang lupalop sa school ko 'yon hahanapin? Ang laki nito oh hello? =_=

"Trouble?" Boses ng isang babae sa likod ko.

Hindi ako nakasagot dahil sa mga ngiti niya. "S-saan ang office? ^_^'"

"Let me lead the way. Kung direction lang din naman ang problema mo, lapitan mo lang ako" nakangiting sabi niya at napatango nalang ako at sinundan siya.

"Bago ka lang dito? Anong pangalan mo?" Tanong niya kahit nauuna siya sa paglalakad.

"Hm" pagtango ko kahit di niya kita "Blake ang pangalan ko, Blake L-Larson"

Nabigla ako sa bigla niyang pagtigil sa paglakad at may kakaibang ngiti siyang ipinakita sa'kin.  "What I mean is your true name, Scorpio" at naging matalim ang mga titig niya.

P-pano niya ko nakilala? Pano niya nalaman na ako 'to.

"Ano bang sinasabi mo?" At pinilit kong i-conceal ang Light Aura ko pero--nakaconceal na 'to para hindi niya maramdaman.

Nilingon ko ang paligid. Y'know what comes to my mind? NASAN AKO? O_O  san ako dinala ng babaeng 'to? Malayo na ba 'to sa kabihasnan?

"Connect to Zone .. " simpleng salita niya na nagpaseryoso sa'ken. At paunti-unti nagbago ang paligid. Mistula 'tong Galaxy .. a zone only for Constellation ... nandito parin ang building pero, ibang building 'to na kapag nawasak dito sa loob ng Zone, hindi maapektuhan ang totoong building na nasa labas ng Zone dahil narin sa huminto ang oras sa labas ng Zone. Sa mundong 'to, tanging mga Constellation lang ang pwedeng makapasok .. at pwedeng mamatay sa loob nito.

"Circinus" seryoso kong pagbanggit ng pangalan niya na nagpangiti sa kanya.

Circinus, ang Constellation of Compasses.

Unti-unti kong naramdaman ang Dark Aura mula sa kanya. Tanong, bakit Dark Aura at hindi namin katulad na Light Aura? Dahil maraming Constellation ang naapektuhan ng Darkness .. all negative emotions na naipon at naging isang hatred. Nagsimula 'to sa isang Zodiac .. at tinatawag sila ngayong Fallen Constellation, ang mga bituing nahulog sa dilim.

"Being you here means nagsisimula na kayong kumilos" nakangiting sabi niya at maraming mitulang shuriken ang lumitaw sa likod niya na mabilis na umataki sa'kin.

"Knife .. " at kung gaano kadami ang shuriken niya ganun din kadami ang knife ko na nagblock sa mga shuriken niya.

May isang kutsilyo or most likely a dagger ang lumitaw sa kanang kamay ko na pina-ikot-ikot ko na sa sobrang pagtitimpi na hindi siya patulan. At ang knife na hawak ko ay poisonous.  Anyone could die with a scracth.

"Anong ginagawa ng mga Constellation na katulad mo dito sa lupa, dito sa mundo ng mga mortal?" Seryosong tanong ko.

"Bakit nga ba?" At ngumisi siya at lumitaw ang dalawang shuriken sa dalawang kamay niya na hinagis niya sa'kin. Mabilis 'to pero binlock ko gamit ang Knife ko pero sa pagkatakip ng shuriken sa kanya ay siyang paglitaw niya malapit sa'kin matapos ko 'tong iblock.

Handa na niyang iataki paitas ng katawan ko 'to pero naghanda ako ng isa pang knife sa kaliwang kamay ko na nagcross para iblock 'to at sipain siya ng dalawang beses gamit ang dalawang paa ko paikot.

"N-nandito ako para pigilan ang pagkabuo ng Zodiac" sabi niya habang pinupunasan niya ang dugo sa bibig niya.

Pigilan ang pagsasama sama ng mga Zodiac ..

"At para sabihin ko sa'yo, hindi lang ako. Hindi ako nag-iisa" dugtong niya.

Kahit hindi mo sabihin, alam ko at alam namin na hindi lang ikaw ...

Nabigla ako sa biglang paglabas namin sa Zone.

"Itigil niyo na ang gulong 'to" ang sabi ng isang boses. Kaagad kong pinalaho ang Knife ko ganun din naman ang nangyari sa Shuriken ni Circinus. Dahil sa labas ng Zone, nagagamit parin namin ang Stellar Magic namin meaning to say, either inside or outside of the Zone .. we can fight using our Stellar Magic that anyone could see.

Tinignan ko siya ng maaigi. N-nakita niya ba kami? N-nakita niya ba? O_O but wait, hindi mawawala ang Zone kung walang hihiling sa mga Constellation na ilabas sila sa loob ng Zone. At ang nangyari kanina, bigla nalang kaming nawala sa loob ng Zone. Epekto pa ba 'to ng nangyayaring phenomena? Posible, dahil ang Zone ay ang pangatlong mundo na ginawa ng lahat ng Constellation. Ang ibig sabihin, marami ng bituin ang nahulog sa dilim.




Tbc .. :)

Light within the Darkness: The Fallen StarWhere stories live. Discover now