Chptr 02: Unusual Day

234 9 0
                                    


Anong ginagawa ni Everette dito??? O_O

Tinignan ko siya ng maigi at duon napansin ko na hindi siya sa'min nakatingin. Nakatingin siya sa itaas sa likod namin which is building ng Academy. At sa part na'yon, mukhang may dalawang estudyante na nag-aaway sa isang floor.

Teka, school ba 'tong pinasukan ko o giyera? Puro nalang may away. Baka minu-minuto may gulo na nagaganap dito? ■_■

"Kayong dalawa" nilingon namin siya ng mapansin niya kami.

"Anong ginagawa niyo dito ng gantong oras? Wala ba kayong klase?" Dugtong niya.

"Hehe, naligaw ako and coincidence nakita ko siya dito at mukhang may hinahanap siyang something na na-misplace niya, hehe ^_^' " sagot ko bago pa sumagot 'tong pahamak na Constellation na 'to.

"Hehe" pagsakay niya lang sa kasinungalingan ko.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa with a serious facial expression na parang hindi siya naniwala sa sinabi namin.

"Transferee? Hindi ka nakauniform so you must be the new student?"

Tumango ako.

"Hinahanap ko ang Office pero sa sobrang laki ng Academy, naligaw ako"

"Ganun ba. Sumunod ka sa'kin. Ako na ang bahalang maghatid sa'yo sa office. At ikaw, malapit na magtime bumalik ka na sa room mo after mong hanapin ang hinahanap mo" at tumalikod na siya sa'min.

Nilingon ko si Circinus. Seryoso siyang nakatingin sa'kin na parang sinasabi niya 'I'll be sure to destroy you' waaa, pinapataas niya ang balahibo ko.

Bago pa man tumaas lahat ng buhok ko sa katawan ay tinalikuran ko nalang din si Circinus at sinundan si Everette.

Tinitigan ko siya not in a pervert way, mga kaheight ko siya. Hindi mataba at sakto ang katawan. Sakto din ang kulay ng balat niya pero makinis. Mukhang malambot din ang mahaba niyang tuwid na buhok. Alam mo yung hindi siya perfect pero masasabi mo na perfect siya. Para na akong perv dito.

Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto din ako. And this time, nasa harapan ko na ang office na muntik ko pang ikamatay kakahanap kanina.

"Sir, nandito na po 'yung new student" kasabay ng pagkatok niya at binuksan niya na ang pinto.

Sa harap ko ay isang matinpunong lalaki. Nakakabakla ganern. Kitang-kita ang batang itsura sa kanya.

"Si Mr. Zion. Ang Chairman ng Academy" pagpapakilala ni Everette sa kanya.

"So you are the new student" Sabi ni Mr. Zion at parang may hinahanap siya sa mga folder sa table niya. Mula duon, may dinamput siyang isang folder "Blake Larson, 16 years old, 4-C. Hm, may ilang information ka dito na hindi nakaspecify please kung may free time ka paki-fill up ang ilang information mo dito"

"Okay po Sir"

"Okay then. Everette ikaw na ang bahala sa kanya" sabi ni Mr. Zion pero umiling at ngumiti si Everette.

"I am the President of Disciplinary Committee, hindi ako isang tour guide Hindi ba trabaho ng kapatid mo 'yon, Mr. Chairman?" Nabigla ako sa pagbago ng tono niya na parang walang mataas na rank ang kausap niya.

"Bakit lahat ng trabaho na inuutos sa'yo laging napapasa 'kin?" Boses ng isang babae sa gilid at duon ko nakita ang isang bata, I mean matured ang itsura niya pero parang ang bata niya (huh? Nu daw)

Umupo siya sa pagkakahiga niya pero hindi sila magkamuka ni Mr. Zion! Waa nu bang nangyayari sa mundong ibabaw?

"Cuz you are the President of the Student Council, Ms. Marideeth. It's your job to guide your fellow student, isn't it?" At ngumiti siya "May klase pa ako at may susunduin pa'ko mamamaya sa Left Wing Building. Busy akong tao dahil sa mga club activities ko, so see you around" at lumabas na siya ng room.

Light within the Darkness: The Fallen StarWhere stories live. Discover now