Chptr 11: At The Practice Room

55 4 0
                                    

In the end, naging tahimik lang ang lahat at wala kaming maisip na paraan kung paano ia-approach si Eve dahil sa Stellar niya. Pero kahit napagdesisyunan ng lahat na magsi-uwi muna at magpahinga, alam kong pakiramdam ng lahat na parang nasa isang zone parin kami na nag-iisip ng paraan.

Pero, ano nga ba ang totoong pangalan niya?

"Walang mangyayari kung poproblemahin mo 'yan. Tandaan mo, kasama natin siya sa bahay na 'to" sabi ni Aquarius na nagpagising sa'kin sa malalim kong pag-iisip.

Binuksan niya na ang pintuan ng kwarto niya at pumasok na siya. Pumasok nalang din ako sa kwarto ko. Bumagsak ako sa kama na ngayon ay masasabi ko ng akin dahil sa may sarili ng kwarto si Aquarius.

Pinikit ko nalang ang mata ko at hindi ko na namalayan na nakatulog ako.

Nakaharap ako ngayon sa bahay na nababalot ng apoy. Ni hindi ko malaman kung ano ang dapat kong gawin. Gusto kong pumunta duon at patayin ang sunog pero ayaw kumilos ng katawan ko. Hanggang sa isang mukha ng isang babae ang natanaw ko. Si Eve ..

Ang nagpagising lang sa'kin ay ang mga tunog ng mga nagtatakbuhang bata mula sa pintuan ng bahay. Pero nanatili akong nakapikit at nakinig sa usapan nila.

Mukhang hapon na at nandito na ang mga bata. "Whoa! Ate Amrita ikaw nagluto nito????" Rinig kong tanong ng isang bata.

Paniguradong tumango si Aquarius bilang sagot dahil masyadong mataas ang tiwala niya sa sarili "Gisingin niyo na si Kuya Blake niyo at tawagin mo na si Ate Eve mo para sabay-sabay na tayong kumain" rinig kong sabi ni Lolo at kaagad ko namang narinig ang pagtakbo ng isang bata papunta sa kwarto ko kaya tumayo na ako sa pagkakahiga ko.

"Kuya--" putol na sabi ni Gil ng buksan ko kaagad ang pintuan.

"Mauna ka na sa lamesa. Ako na ang bahalang tumawag kay Ate Eve mo" nakita ko ang malaking ngiti niya sabay takbo siya pabalik sa kusina.

For sure, masarap ang hinandang pagkain ni Aquarius dahil sa mga excited na mukha ng mga bata but I guess kailangan ko ng tawagin si Eve.

Pero may isang bagay akong nakalimutan, sa daming kwarto ngayon ang nandito, baka naubos na nila ang pagkain, hindi ko parin siya kasama.

Handa na akong magmukmok ng makarinig ako ng ingay sa isang kwarto. Pero hindi ito nagmumula sa kwarto na nakapalibot sa'kin, kung hindi sa room na nakahiwalay. Ang room na sa tingin ko ay ang practice room ni Eve. Pero, hindi ko maramdaman ang presensya niya.

Pumunta ako duon, naabutan kong nakasara ang pintuan pero hindi 'to nakalock.

Binuksan ko ang pintuan at ang sumalubong sa'kin ay isang arrow na kaagad hiniwa ng knife na kaagad lumitaw sa mga kamay ko. Kung hindi ako naging mabilis panigurado ay wala na ang kanang mata ko.

Ha.ha.ha, makalabas pa kaya akong buhay sa kwartong 'to?

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Eve at kumuha ulit siya ng isang arrow at this time sa talagang target niya na tinapat. At mapapahanga ka nalang dahil pin point niya talaga 'to.


"Pinapatawag ka na ni Lolo" lumingon siya sa orasan na nakadikit sa pader pero kaagad niya ring binalik ang tingin sa target niya na pinatamaan niya muli "Nagugutom ka na ba?" Biglang tanong niya sa'kin pagkababa niya ng bow.

"H-hindi pa naman. Bakit mo natanong?"

"Mabuti kung ganuon" at nabigla nalang ako dahil inataki niya ako ng arrow. Pero iniwas ko lang kaunti ang ulo ko at naiwasan ko 'to "Anong binabalak mo?" Tanong ko at lumitaw ang knife sa kamay ko.

"Tulungan mo 'kong magtraining" tumakbo siya papunta sa'kin. Duon ko lang napansin ang espadang nakasabit sa beywang niya na kaagad niyang kinuha. Diretso niya 'tong inataki patutok sa dibdib ko. Thanks god sa knife ko na kaagad binlock 'to.

"Hindi mo pa naririnig ang sagot ko pero nagsimula ka na. Pero, bago 'to--may gusto akong malaman. Anong ginawa mo kila Lyre at Andromeda? Biglang naging malinis ang mga Aura nila"

Umiwas siya ng tingin sa'kin at naglakad. Kinuha niya ang ilang nagkalat na arrow sa lapag at inilagay sa mistulang pocket na nakasabit sa likod niya.

"Hindi kamatayan ang sagot sa lahat bagay"

Dahil sa napakalungkot at seryoso niyang mga tingin sa'kin. "Pero may mga bagay na hindi mawawala kung hindi bibigyan ng katapusan" tatlong arrow ang nasa kamay niya ngayon na kaagad niyang binitawan paataki sa'kin.

Tatlong knife din ang lumutang sa harap ko para naman hatiin ang mga arrow. At this time, ang mga knife ko na ang papunta sa kanya pero alam niyang hindi ito tatama sa kanya kaya naman hindi siya tuminag.

"Kung nabalot sila sa kadiliman, kailangan lang nila ng liwanag" at ngayon bigla siyang tumakbo hawak ang espada habang nasa kabilang kamay niya ay ang bow.

Base sa paghawak niya, magpofocus siya sa espada niya. Gamit ang knife ko, binlock ko ang espada niya at inislant ito para matulak ko ang espada niya.

"Ang ibig mong sabihin, naglipat ka sa kanilang dalawa ng Aura mo? Pero, hindi ako nagkakamali sa naramdaman kong Aura mula sa'yo-- ang Aura na katawan mo ... isang itim at isang puti" tinignan ko siya sa mga mata niya. Bakas dito na hindi na siya nabigla sa narinig niya. Bagkus, may isang ngiting lumitaw sa mga labi niya.

"Ang ibig sabihin lang, naapektuhan ka ng Dark Aura" boses ni Aquarius ang nagmula mula sa pintuan. Nakatayo siya duon at seryosong nakatingin kay Eve "Hindi ko gusto ng gulo. Nandito ako para sabihin sa inyong dalawa na malapit nang maubos ang pagkain dahil sa mga bagay na pinagkaka-abalahan niyo" dugtong niya.

Tumalikod na siya sa'ming dalawa at handa na sanang maglakad ng magsalita ulit siya "Gusto kong malaman ang totoong pangalan mo, pero-- mas gusto kong ako mismo ang makaalam at hindi 'yung magmumula sa bibig mo. At once na malaman ko ang pangalan mo, humanda  ka na dahil lilinis ang Aura na bumabalot sa puso mo" at umalis na siya.

"Bago tayo umalis sa kwartong 'to, may gusto lang akong sabihin sa'yo" sabi ni Eve dahilan para bumalik ang attention ko sa kanya.

Seryoso ko siyang nilingon pero, ito nanaman ang malulungkot niyang mga ngiti "Hindi mabubuhay ang bituin kung walang dilim"

Hindi ko alam kung anong salita ang dapat kong bitawan bilang sagot sa sinabi niya.

"Hindi mabubuhay sa liwanag ang isang bituin, 'yan ang lagi mong tatandaan dahil tanggapin mo man o hindi, tayo ang mga bituing naghihintay lagi ng dilim"

Hindi ako pinatulog ng mga salitang sinabi niya. Dahil sa ayaw at sa gusto ko, tama ang mga sinabi niya. Kaming mga bituing dapat na sa kalangitan, ay nabubuhay lang sa isang madilim na kalangitan.


Tbc ...

Light within the Darkness: The Fallen StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon