Chptr 38: The First Step

30 1 0
                                    

Eve's POV

"H-hindi ko alam kung paano ..  p-pero please gusto kong manatili ka sa tabi ko" hindi ko mapigilan ang mga luha ko habang pinagmamasdan ang duguan niyang katawan.

Pinilit niyang itaas ang kamay niya at nagsulat sa hangin "P-pero hindi habang buhay. Da-rating ang panahon ... k-kakailanganin k-kong umalis .. sa tabi mo" at ang salitang nalikha niya sa hangin ay unti-unti niyang itinulak papunta sa'kin.

Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Dahil siya lang ang alam kong maibabalik ko.

Pagdilat ng mga mata ko, isang hangin ang sumalubong sa'kin mula sa tabing bintana ng kama ko. Nasa Orphanage ako ..

Nilingon ko ang gilid ko ng maramdaman kong may nakaupo dito. Paglingon ko si Blake na nakadukdok sa gilid ng kama habang nakaupo sa lapag.

Duon ko lang napansin na hawak niya ang kamay ko.  "Eve, hindi ang mga kamay niya ang hawak mo ngayon. Hindi kita bibitawan, hindi ko hahayaang may ibang kamay ang humawak dito. Magtiwala ka, kahit hindi mo na mabago ang nakaraan .. pwede mo pang matama ang pagkakamali mo dito sa kasalukuyan. At kung wala ng paraan, bakit hindi mo gawin dito sa kasalukuyan ang hindi mo nagawa sa nakaraan. Dito sa kasalukuyan na kamasa mo ako .. magtiwala ka lang at hawakan mo ng mahigpit ang mga kamay ko"

A-ano ba 'tong iniisip ko.

Umupo ako at dahan-dahan ko siyang tinapik sa pisngi gamit ang isang kamay ko "B-Blake .. Blake .."

"Hmm " halatang naaalimpungatan niya pang gawa at nabigla ako ng hawakan niya pa ang isang kamay ko na nasa pisngi niya. "Mabuti at gising ka na" nakangiti niyang sabi dahilan para umiwas ako ng tingin.

"H-hindi pa naman ako patay kaya obvious lang na magigising ako 'no"

"Hahaha, okay okay, President of the Disciplinary Committee" pagtingin ko sa kanya mas lalong lumaki ang mga ngiti niya na hindi lang nagpapagulo sa isip ko kung hindi nagpapagulo rin ng puso ko.

"B-Baka pwede mo ng bitawan ang kamay ko, transfer student?"

"Nope" kasabay ng pag-iling niya. "Nangako akong hindi ko bibitawan ang kamay mo, obvious lang din na hindi ko 'to bibitawan" nakangiti niya paring sabi at naramdaman ko ang paghigpit ng mga hawak niya.

A-ano ba 'to .. bat parang may sariling utak ang puso ko? Puso ko ba 'to o puso ng ibang tao para tumibok ng ganito?

"Bi-bibitawan mo ako o sasampalin kita?"

"Paano mo 'ko masasampal kung hawak ko ang mga kamay mo?"

"Edi sisipain nalang nalang kita" at iyon duon niya natikman ang sipa ng kabayo and free na ang mga kamay ko.

"Wala ka talagang patawad"

"Ya, dahil trabaho ko ang magdisiplina ng mga pasaway na estudyante--" putol kong sabi ng may marealized akong isang bagay.

H-hindi ko maramdaman ang Dark Aura ko .. I mean, puro Light Aura ang nararamdaman ko na nagmumula sa katawan ko.

Kaagad kong nilingon si Blake "S-si Crux, nasaan siya?!"

"H'wag kang mag-alala, buhay siya. Safe and sound"

"K-kung ganuon, p-paanong nangyaring nagbago ang kulay ng Aura ko?"

"H-hindi ko rin alam" at umiwas siya ng tingin.

"Parehas lang kayong hindi totoo sa mga sinasabi niyo" sabi ni Tarra na bigla nalang lumitaw out of nowhere.

Light within the Darkness: The Fallen StarWhere stories live. Discover now