Chptr 20: About the Half

47 2 0
                                    

Sa sobrang ganda ng view ng Astral, natahimik ang lahat. Tanging ang ingay lang na naririnig namin ay ang hangin na sumasalubong sa'min.

Sa totoo lang, ngayon ko lang din nakita ang napakagandang view na 'to. Dahil ngayon lang ako dumaan dito.

"Wala ba tayong nakakalimutang isang napaka-importanteng bagay?" Tanong ni Adeel na nakacross arm pa sa likod ng batok ang mga kamay.

Napansin din naming nagcross arm si Aquarius "Na kailangan tayo sa dalawang mundo kaya hindi tayo pwedeng mamatay"

Hehe, ou nga. Dahil once na bumagsak na kami ngayon ... pagbagsak din 'yon ng dalawang mundo. At sa taas ng babagsakan namin .. panigurado sa sobrang layo ng distansya sa lupa, walang dudang hindi lang bali ang matatanggap namin kundi pati narin kamatayan.

Nagtaka naman ako ng hatakin ni Eve ang ribbon niya na nakatali sa buhok niya. "Flying Carpet" at biglang naging carpet 'to na kaagad niyang pinagbagsakan at sinapo kaming tatlo.

"As expected sa Disciplinary Committee" bulong ni Adeel.

"Bakit hindi mo nalang kontrolin ang gravity, Adeel? Hindi ba iyon ang specialty mo?" Pagsusungit ni Mari.

"Yup pero ... ayaw kong magsayang ng Stellar" nakasmile lang na sagot ni Adeel.

"Pagsasayang ba tawag duon" bulong ni Mari.

"So saan ba tayo bababa?" Tanong ni Eve.

Tinuro ko ang isang mistulang palasyo hindi kalayuan mula sa'min. "Nanduon ngayon sila Aries kasama ng ilan pang Zodiac"

Bumilis ang paglipad namin pero nabigla kami sa napakaraming Arrow na umataki sa'min mula sa ibaba dahilan para mabutas ang carpet na sinasakyan namin. Nagbago ang anyo nito at bumalik sa pagiging ribbon na kaagad kinuha sa ere ni Eve. "Retu-" putol niyang sabi ng may isang arrow ang gumalos sa kanang balikat niya at nagrelease ito ng napakalakas na pwersa na nagtulak sa'min.

Dahil dito, tuluyan kaming nahulog sa gubat. Since mapuno dito, nagtamo ako ng galos dahil sa mga sanga at sa pagbagsak ko sa lupa na puro bato.

Nilingon ko ang paligid ko. Si Eve kaagad ang bumungad sa'kin na nakahiga habang hawak ang braso niyang may dugo.

Nilapitan ko siya kaagad at duon ko napansin na medyo nagkukulay violet 'to. Poison? ..

"Sino ba ang umataki sa'tin kanina?" Tanong niya pagka-upo niya habang iniinda ang sakit ng braso niya.

"Mga Nameless, pinoprotektahan nila ang Astral sa mga nagtatangkang umataki dito. Hindi mo ba kayang pagalingin ang sarili mo?"

Umiling siya "Kaya kong pumatay pero hindi ko kayang bumuhay kaya hindi ko kayang pagalingin ang sarili ko o kahit na sino"

Nuong una nabigla ako sa sinabi niya pero inisnob ko  nalang muna 'to. Kumuha ako ng isang dahon na kakabagsak lang sa puno at iniharap kay Eve "Gawin mo 'tong tela" utos ko at napabuntong hininga siya.

Pinatong niya ang palad niya sa kamay ko na may dahon at nagsalita sabay naging tela ang kaninang dahon lang na hawak ko.

Tinali ko 'to sa braso niya para hindi kumalat ang lason sa  katawan niya. "Magtiis ka muna sandali. Kailangan muna natin silang mahanap dahil kung hindi baka mangyari din sa kanila ang nangyari sa'yo. Pero bakit ka nila inataki ng ganuon"

Napansin kong kumuha siya ng maraming bato "Papel .. " naging papel ang kaninang mga bato na hawak niya.

"Ipakita mo sa'kin ang mapa ng Astral at ipakita mo sa kung sino man ang may hawak ng papel na 'to, kung nasaan sila" isa-isa niyang hinawakan ang mga papel. Unti-unti may lumilitaw duon na mapa at may isang bilog na sa sigurado akong lugar na kinatatayuan namin.

"Puntahan niyo ang mga kasamahan namin" at mistulang mga papel itong tinatangay ng hangin.

Nabigla ako ng mapansin ko na nahilo si Eve kaya kaagad ko siyang hinawakan. "Okay ka lang?" At tumango lang siya.

Inalalayan ko siyang tumayo at naglakad na kami.

Hindi na nakakapagtaka kung nanghihina si Eve. Simula palang marami na siyang nagamit na Stellar at ang isa pa ... may kumakalat na lason sa katawan niya. Kung magpapatuloy 'to .. tsk. Ayaw ko ng isipin ang kakalabasan.

"Sa tingin ko ..... inataki nila ko dahil sa Aura ko" sabi niya na nagsira ng katahimikan na namamagitan sa'min.

"Blake ... n-naniniwala ka ba sa'kin nung sinabi ko na ako ang pumatay sa Gemini?" Dugtong niya dahilan para tignan ko siya.

"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong hindi?" Bumalik ang tingin ko sa daan na tinatahak namin kahit na pakiramdam ko .. nakatingin siya sa'kin ng puno ng pagtataka "Ikaw ang Disciplinary Committee President ng School. First day palang nakita na ng dalawa kong mga mata kung gaano mo iniiwasan ang mga away at gulo sa school. Walang gulong nangyayari dahil pinipigilan mo 'to in a way na walang nasasaktan. Sa tingin mo ba ang ganuong klaseng tao ... kayang pumatay lalo na ang sarili niyang kapatid? Kaya sorry, all this time .. since the time na nakilala kita kung sino ka talaga, puno ng tanong ang isipan ko kung nagsasabi ka nga ba ng totoo sa'min, o hindi. Pero ngayon ko lang napansin, hindi kita pinagdududahan, kung hindi, hinahanap ko lang ang mga sagot sa mga tanong ko. Sorry pero nagtitiwala ako sayo pero not this time, not this time na sinasabi mo na ikaw ang pumatay sa Gemini--sa kapatid mo"

"Ang kalahating Aura na nasa loob ko. Hindi ko pagmamay-ari" napatigil ako dahil sa sinabi niya.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ako isang Half Fallen Constellation, Blake. Tuluyan na akong nahulog sa dilim, at ang kalahating Light Aura na nasa loob ko ... kalahati ng Aura ni Tarra"

"S-sandali. N-naguguluhan ako--"

"Naiintindihan mo man o hindi, iyon ang ibig kong sabihin. Nanatiling tuwid ang pag-iisip ko dahil kay Tarra" napakaseryoso niyang sabi.

"Pero imposibleng magpasa ng isang Aura sa isang Constellation. Kaya pano--"

"Nakalimutan mo na ba kahit ako--kaya kong maglipat ng Light Aura ni Tarra sa ibang Fallen Constellation. Kung ako na isang Nameless ay kaya ko, mas magagawa ito ng Gemini"

"Pero isang Brightless ang Gemini. Wala silang kakayahan"

"Matagal na simula ng matapos ang pagiging Brightless ng Gemini--argh" dahil sa panlalambot niya ay bumagsak siya sa balikat ko habang hinahabol niya ang paghinga niya.

Nabigla siya nga buhatin ko siya. W-wala naman akong choice hindi ba? Mas mabilis kung ganito.

"K-kung may lakas lang ...... ako. N-nasapak na kita ... " nanlalambot pero bakit nakakatakot niya paring sabi.

"T-tinutulungan na nga kita"

"Marideeth, ikaw .. ba yan. Haha" biro niya pa.

"Okay lang kaya sila, pati ang mga bata?"

"O-okay lang sila. Bago tayo bumagsak, nakita kong pinrotektahan ni Adeel ang mga bata. Kung magkakasama sila ngayon .... w-wala ng problema dahil nanduon din si Marideeth"

"Sa kabila ng laging pagtatalo niyo, nakikita ko na malaki parin talaga ang tiwala mo kay Mari"

"Ha.ha. nagb-bibiro ka ba?"

"Nope. Seryoso ako" at napansin ko na umiwas siya ng tingin pero may ngiti sa labi niya "M-masyado ba akong obvious?"

"Hindi naman. Hula ko lang 'yon kaya h'wag ka ng mag-alala"

"Tsk. Haha. Blake ... may sasabihin akong sikreto sa'yo" nilingon ko siya.

"Hindi ka ba nagtataka na nasunog ang bahay mo  ng walang dahilan? .. kagagawan ko 'yon"

Dahil duon muntik ko na siyang mabitawan. "Hindi na nakakapagtaka kung bakit kahit ang tubig ni Aquarius .. walang epekto"

"Sorry .. "

"Ginawa mo lang 'yon para protektahan ako, hindi ba? Thank you" nakangiting sabi ko na nagpataka sa kanya.





Tbc ...

Light within the Darkness: The Fallen StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon